PDu30, wala pa ring napipisil na susunod na PNP chief
- Published on November 11, 2021
- by @peoplesbalita
HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa ring napipisil si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) na magiging kapalit ni outgoing police chief Gen. Guillermo Eleazar.
“Wala pa po. Ako naman po ang tagapag-anunsiyo kung meron man. So sa akin po manggagaling ang impormasyon na iyan ,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung may napili na si Pangulong Duterte na kapalit ni Eleazar.
Nauna rito, sinabi ni Local Government Secretary Eduardo Año na may limang PNP officials ang nasa shortlist ng mga kandidato bilang susunod na “top cop” ng bansa.
Tumanggi naman si Año na isiwalat ang pagkakakilanlan ng mga police officials na ito, subalit binigyang diin na “seniority, merit, and service reputation” ang naging grounds niya kaya nagkaroon ng shortlist ng mga kandidato.
Naisumite na niya kay Pangulong Duterte ang listahan noong Nobyembre 2.
Ani Sec. Roque, nais ni Pangulong Duterte na ang susunod na PNP chief ay mayroong “loyalty and competence” para ipatupad ang batas sa bansa.
“Napakataas ng standards ng Presidente para po sa PNP chief. At nakikita niyo naman kung paano ang naging serbisyo ni PNP chief Eleazar. Kinakailangan po merong katapatan, meron siyang napatunayang kakayahang ipatupad ang mga batas ng ating bansa lalung-lalo na sa taon na tayo po’y magkakaroon ng eleksyon,” aniya pa rin.
Nakatakdang magretiro sa serbisyo si Eleazar bilang ika-26 na hepe ng Pambansang Pulisya matapos ang mahigit tatlong dekadang karera bilang Pulis ng Bayan.
Sa Nobyembre 13 ay maabot na ni Eleazar ang mandatory retirement age na 56.
Samantala, ang mga posibleng contenders para sa PNP chief ay kinabibilangan nina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, deputy chief for administration; Lt. Gen. Ephraim Dickson, deputy chief for operations; at Lt. Gen. Dionardo Carlos, chief of the directorial staff.(Daris Jose)
-
Ads June 20, 2022
-
MAINE, hinahamon na kumanta ng 25 songs na inayos na ng EB Shy Singer
MISS na ng mga fans at ilang araw nang hindi napapanood si Phenomenal Star Maine Mendoza sa daily noontime show na Eat Bulaga. Tinatapos muna kasi ni Maine ang taping ng ilan pang episodes ng kanyang bagong show na #MaineGoals for Cignal TV and APT Entertainment na napapanood sa BuKo Channel, na sinusubukan […]
-
Ads January 12, 2022