PDu30 wala pang 2nd dose ng bakuna laban sa Covid -19
- Published on June 28, 2021
- by @peoplesbalita
PINASINUNGALINGAN ng Malakanyang ang naunang pahayag ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “mistakenly informed” di umano si Durante ng kanyang medical staff na nabigyan na nga ng second dose si Pangulong Duterte.
“This is in reference to the remarks of Presidential Security Group (PSG) Commander BGEN Jesus Durante III on President Rodrigo Roa Duterte receiving a second dose of the anti-COVID-19 vaccine,” ayon kay Sec. Roque.
“Gen. Durante was Further, Gen. Durante has admitted, apologized and rectified his earlier remarks. We hope this clarifies the matter,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Bago pa ito, may text message si Sec. Roque sa media na nagsasabing “ES said that details of their conversation should be kept private. Gen Durante has personal knowledge of 2nd shot. It was given after EUA was granted to Sinopharm,” na taliwas sa sinasabi nito ngayon.
Nauna rito, kinumpirma ni Durante sa isang panayam na ” fully vaccinated” na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, dahil sa sunud-sunod ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte kaya’t kailangan na mabigyan na ito ng kanyang 2nd dose ng bakuna.
“Si Pangulo po ay vaccinated na po siya at napakahalaga po nito, para lalo namin siyang maingatan, lalo na magagawa niya nang maayos at tuluy-tuloy ang kaniyang tungkulin, upang makapaglingkod sa ating mga kababayan,” ayon kay Durante
Nangyari aniya ito matapos ang 14 na araw mula nang mabigyan ng first dose ng Sinopharm si Pangulong Duterte.
“Opo, at nai-televise naman iyon. Yeah, fourteen days after yung activity, nagkaroon po siya ng second dose,” anito.
Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ng PSG ang seguridad kay Pangulong Duterte.
“So simula noong mag-start pa lang ang pandemic, we have remained consistent sa strict enforcement ng aming security, as well as health and safety protocols. We never put our guards down from the very beginning. And we are proud to say that the President remains safe from the virus,” ayon kay Durante. (Daris Jose)
-
JUANCHO, naiyak sa tuwa sa sorpresa ni JOYCE sa first wedding anniversary
SINORPRESA ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring, mga segment hosts ng GMA Network morning show na Unang Hirit ang mga co-hosts nila Last February 9. Bigla kasi nilang in-announce na may coming baby na sila, sabay pakita sa sonogram ng 19 week-baby nila. Ang saya ng atmosphere sa studio […]
-
Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC
INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX). Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan […]
-
Mag-live-in partner na ‘tulak’ isinelda sa P170K droga sa Valenzuela
MAGKASAMA hanggang sa kulungan ang isang mag-live-partner matapos makuhanan ng mahigit P170K halaga ng droga nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi. Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas ‘Jericho’, 22 at alyas ‘Mica’, 29, […]