• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, walang alam na ang mga sinibak na immigration personnel na sangkot sa “pastillas scheme” ay hindi naalis sa puwesto kundi nananatili pa sa kanilang duty

WALANG alam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga Immigration personnel na sinibak nito sa puwesto dahil sa korapsyon ay nananatili pa rin sa government service.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, na sinibak niya ang 43 Immigration personnel na sangkot sa tinatawag na “pastillas” scheme na di umano’y pinayagan ang Chinese citizens sa bansa kapalit ng pera.

 

Subalit, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang personnel na sinibak ng Pangulo ay hindi naman naalis sa puwesto dahil kaagad namang nakabalik sa kanilang duty.

 

“Siguro po, obvious ang sagot, hindi po siguro alam ni Presidente, hindi pa sila nasisisante. Ang alam lang niya, nasuspende,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero siguro po, ang epekto ng kaniyang mga binitawang salita, iyan po ay mandato sa DOJ, sa CID, gawin ninyo ang lahat para masisante iyan sa lalong mabilis na panahon. Hindi po katanggap-tanggap iyong ginawa nilang pastillas scheme; kinakailangan po talaga sibakin sila,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ilalim ng “pastillas” scheme, papasok ang mga tsinoy sa Pilipinas bilang turista at sa kalaunan ay magta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs, babayaran ang immigration personnel at ang Chinese at Filipino travel agencies na P10,000 na grease money, na nakabalot sa papel at naka-rolyo na para “pastillas” delicacy.

 

“I have ‘yung ‘pastillas’ [scam] sa ano, sa airport. There were 43 personnel involved. I fired them all. Talagang pinaalis ko sa gobyerno,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang tatlong oras na panghuling SONA. (Daris Jose)

Other News
  • Reklamo sa di umano’y pagdukot sa mga aktibista, isang ‘act of desperation’

    ITINUTURING ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na “act of desperation” ang inihaing reklamo laban sa kanila sa di umano’y pagdukot sa dalawang environment activists.     Sinabi ni NTF-ELCAC spokesperson Jonathan Malaya na ang reklamong inihain nina Jhed Tamano at Jonila Castro sa Office of the Ombudsman ay para […]

  • Japan, magpapalabas ng karagdagang 20 billion yen loan para sa PH COVID-19 response

    PINAG-USAPAN nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, araw ng Miyerkules ang napipintong pagpapalabas ng JY20 billion ( P9 billion) Post-Disaster Standby Loan sa Pilipinas, ang kalagayan ng subway at railway projects sa Metro Manila at ang agresibong aksyon ng China sa South China Sea.   Ayon sa overview na ibinigay […]

  • Food stamp beneficiaries ng DSWD, obligadong mag-enroll sa job program ng DOLE at TESDA

    OOBLIGAHIN na ang mga food stamp beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development na mag-enroll sa job programs ng Department of Labor and Empoloyment at Technical Education and Skills Developnment Authority.     Ito ay upang hindi masanay ang mga benepisyaryo na umasa lamang lagi sa ayuda na ipapaabot ng pamahalaan.     Ayon […]