• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, walang sinisisi sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa Covid 19

WALANG sinisisi kahit na sinuman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccines.

 

Naniniwala kasi ang Pangulo na ang pagpapadala sa bansa ng mga bakuna ay responsibilidad ng manufacturers.

 

Ang pahayag na ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung may dapat bang panagutin ang Pangulo sa pagkakaantala ng pagdating Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula COVAX at Sinovac COVID-19 vaccines na dapat sana’y dumating noong Pebrero 15 at ngayong araw, Pebrero 23.

 

“Alam mo, si Pangulo, he understands that we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to…as practicable as possible…ginagawa  naman po natin ang lahat ng kinakailangan based on requirements,” ang pahayag ni CabSec. Nograles

 

“But at the end of the day, it is the vaccine manufacturers’ obligation, responsibility to ship it to us at a time that was promised,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang mga petsa kung saan ay inaasahan ang pagdating ng Pfizer-BioNTech at Sinovac vaccines ay una nang inanunsyo nina presidential spokesperson Harry Roque at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

 

Ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) ay nagbigay na ng emergency use authorization sa Pfizer-BioNTech noong Enero 14 subalit sinabi ni Galvez sa Senate hearing a naibigay ang EUA noong Pebrero 11 at ang kawalan ng indemnification law sa bansa ang dahilan kung bakit naantala ang pagdating ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines  sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kahit na nag-e-enjoy sa shoot ng ‘Running Man PH’: GLAIZA, miss na miss na si DAVID na nangakong bibisita sa South Korea

    KAHIT na nag-e-enjoy si Glaiza de Castro sa pag-shoot ng Running Man Philippines sa South Korea, miss na miss naman niya ang kanyang mister na si David Rainey.     Sa isang sweet post via Instagram Story, ni-repost ni Glaiza ang photo niya with David at nilagyan niya ng caption na, “miss you.”     […]

  • Babylove Barbon, Gen Eslapor nanalasa sa beach volleyball

    Lumapit ang tambalang reigning MVP Babylove Barbon at Gen Eslapor sa pangwalong sunod na titulo para sa University of Santo Tomas nang itumba sina Euri Eslapor at Alyssa Bertolano ng University of the Philippines, 21-16, 21-6, sa 85th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s beach volleyball tournament semifinals Linggo ng hapon sa Sands […]

  • $750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB

    Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.   Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) […]