• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDuterte, nais na masampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philhealth

DESIDIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

Kaya nga, independent o hiwalay ang Ombudsman sa binuong Task Force Philhealth ng Malakanyang na nagsasagawa rin ng imbestigasyon sa talamak na anomalya sa ahensya.

 

Ayon kay presidential spokesper- son Harry Roque, ginagalang ni Pangulong Duterte ang hiwalay na imbestigasyon na ikinasa kapwa ng dalawang investigating body na ito.

 

Pahayag ni Sec. Roque, parehong tinututukan ng Malakanyang ang magkahiwalay na imbestigasyon ng ombudsman at task force lalo na’t nais ng pangulo na mas marami o patung-patong pa na mga kaso ang maisasampa laban sa mga ranking Philhealth officials na sangkot sa kurapsyon.

 

Walang ibang gusto si Pang. Duterte kundi ang talagang makulong ang mga kurakot sa PhilHealth.

Other News
  • Paglalaro ng basketball, pinayagan ng mga Metro Manila mayors – MMDA

    Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na payagan ang basketball games sa National Capital Regions (NCR) para sa mga fully vaccinated individuals.     Nilinaw naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na depende sa mga manlalaro kung magsusuot ito ng face mask o hindi habang naglalaro.     Paglilinaw ni Abalos […]

  • Abalos mas gustong sundin si Año, kaysa kay Roque ukol sa face shield policy

    SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mas gugustuhin pa niyang sundin ang posisyon ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Eduardo Año na tuluyan nang ibasura ang polisiya ng sapilitang pagsusuot ng face shield kahit walang approval o pagsang-ayon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of […]

  • Tax amnesty extension, naging ganap na batas

    NAGING ganap na batas na  ang ipinasang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025.     Kahit wala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “the availment of the estate tax amnesty  lapsed into law on August 5.     Nakasaad […]