Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.
“Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang porsyentong inaambag nito sa ating total caseload,” ayon kay Health Sec. Francisco Duque III sa Laging Handa public briefing.
Nakahanda ang Metro Manila sa pagbaba sa COVID-19 Alert Level 2, ayon pa kay Duque.
Sinabi ni Duque na maganda ang vaccination coverage sa Metro Manila at sumusunod naman ang mga mamamayan sa minimum public health standards.
Aniya, mahalaga ang mataas na vaccination coverage at ang pag-iingat at pag-iwas ng mga mamamayan sa mga sitwasyon kung saan maaari silang mahawa.
Pero sinabi rin ni Duque na depende pa rin sa mga nakalatag na pamantayan ang pagbaba ng Alert Level 2 katulad ng two-week growth rate at Average Daily Attack Rate (ADAR).
Kasama rin aniya sa batayan ang healthcare utilization rate na dapat ay mapanatili na nasa low risk classification o mas mababa sa 50% o 49% pababa ang kabuuang bed utilization at ICU utilization rates.
Posible aniyang pag-usapan ang pagbaba sa Alert Level 2 kung mababa ang severe at critical cases kahit pa tumaas ang bilang ng mga COVID-19.
Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang buong rehiyon na magwawakas sa Enero 31 kung kailan magdedeklara muli ng panibagong alert level. (Gene Adsuara)
-
Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks
Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4. Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para […]
-
Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang ilegal na droga sa bansa ay national security issue kaya’t marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw . Giit ng Chief […]
-
Rally ni Robredo sa Negros Occidental dinaluhan ng 100K supporters
MAHIGIT 100,000 katao ang dumalo sa iba’t ibang pagtitipon ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Negros Occidental noong Biyernes, kabilang ang grand rally sa Paglaum Stadium sa Bacolod City na dinaluhan ng 70,000 supporters. Ayon kay Negros Occidental provincial administrator Rayfrando Diaz, ang bilang ng tao sa loob ng Paglaum […]