Pedicab driver, 1 pa tiklo sa P272K shabu sa Valenzuela
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Bagsak sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Christopher Sta. Maria, 44, pedicab driver at Jeffrey Adam Daluz, 35 ng 18A Santiago St. Parada.
Sa report ni Col. Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 9 ng gabi nang masagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team sa pangunguna ni SDEU chief PLT Robin Santos sa bahay ni Sta. Maria sa 11E Reyes Compd. Brgy. Karuhatan.
Kaagad sinunggaban nina PCpl Randy Canton at PCpl Franciz Cuaresma ang mga suspek matapos bentahan ng P4,000 halaga ng shabu si PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na buyer.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1pc P1,000 at 3 pcs 1,000 boodle money, P2,300 recovered money, 2 cellphones at isang motorsiklo.
Pinuri naman ni NPD Director Bondoc ang Valenzuela Police SDEU team sa pamumuno ni PLT Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Safer Internet Day: Globe, may webinar sa online child safety at protection
PAGTITIPON-tipunin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar. Naglalayon ito na mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation. Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, at ang Globe ay magho-host ng […]
-
US nagpadala ng Patriot missiles sa Poland bilang proteksyon laban sa posibleng pag-atake ng Russia
MAGPAPADALA ang US ng dalawang Patriot missiles batteries sa Poland bilang pagkontra sa banta sa US at NATO allies dahil sa nagpapatuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine. Ang nasabing Patriots air defense missile systems ay kayang magharang ng mga paparating na mga short-range ballistic missile, advanced aircraft at cruise missiles. […]
-
Kinumpirma ng may-ari ng TV5: TVJ at Dabarkads, opisyal na ang paglipat sa Kapatid Network
OPISYAL na nga ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa bago nila tahanan, ang TV5. Kinumpirma ito ng MediaQuest President and CEO na si Jane Basas kahapon, Miyerkules, June 7 sa pamamagitan ng isang official statement. Kaya […]