Pedicab driver buking sa shabu
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Kulong ang isang 42-anyos na pedicab driver matapos mabisto ang dala nitong shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil walang suot na face mask sa Navotas City.
Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Arnold Barrios alya “Anot” , 42 ng Kadamay St., Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.
Sa report ni Major Sobrido kay MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, dakong 3:30 ng hapon, nagsasagawa ng foot patrol ang kanilang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa Kadamay St. Market 3 nang mapansin nila si Barrios na walang suot na face mask kaya’t sinita ito ng mga pulis.
Gayunman, tinangkang tumakbo ng suspek subalit napigilan ito ni Pat. Patrick John Quinto at PSSg Marcelo Agao at nang atasan siya na ilabas ang laman ng kanyang bulsa ay aksidenteng nahulog mula sa loob nito ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P1,000 ang halaga.
Ayon kay MARPSTA PSMS Nemesio “Bong” Garo II, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM
NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang “major reorganization” sa ahensiya nito. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa […]
-
Dream come true na mapasama sa docu-series ng ’24 Oras’: TV heartthrob na si ANJO, puwede nang sumunod sa yapak ni ATOM
DREAM come true para kay sa GMA weatheman-turned-TV heartthrob na si Anjo Pertierra nang maging parte siya ng documentary series para sa 24 Oras. Puwede na ngang sumunod si Anjo sa yapak ni Atom Araullo na isang award-winning documentaries na pang heartthob din ang image. Mahilig daw talaga ang ‘Unang Hirit’ host […]
-
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports
UPANG lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports, pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) na kinakatawan nina Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita […]