PEKENG OPERATION ORDER HUWAG MANIWALA
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan hinggil sa isang pekeng operations order na kumakalat sa mga chat group sa internet.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang kumakalat na operation order na may titulong ‘checking overstaying and illegal employment in various entertainment places’ ay hindi inisyu ng BI.
Ang pekeng kautusan na umano’y nag-uutos na inspeksiyunin ang mga entertainment na lugar sa Maynila, kabilang ang mga bars, KTVs, music houses, golf clubs, bowling alleys, internet cafes, amusement parks, casinos, hotels, guest houses, at restaurants apang halughugin ang mga illegal na dayuhan.
“No such order has been issued by the BI,” ani Tansingco. “Our operatives are not authorized to randomly inspect establishments, but instead are required to secure a mission order to conduct an arrest. A mission order is only issued upon thorough investigation and confirmation that the subject foreign national has indeed violated immigration laws,” dagdag pa nito.
Naniniwala si Tansingco na ang pekeng kautusan at ginagamit ng mga sindikato upang takutin ang mga dayuhan at ma-scam sila.
Sinabi ni tansingco na i-report ito sa local enforcement agencies. GENE ADSUARA
-
P45M insentibo binigay, inani ng SEAG coaches
SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pamimigay ng tseke mula sa inilaang halos P45 milyon cash incentives para sa 182 national coaches matapos masungkit ng Team Philippines ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games. Batay sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No. 10699 o mas kilala bilang National Athletes and […]
-
Teves, ‘pinaka-utak’ sa Degamo slay – DOJ
ITINURO na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.na siyang pangunahing ‘utak’ sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo. Habang ang nadakip na isa pang ‘utak’ na si ex- military reservist Marvin Miranda na kung baga sa pelikula ay siyang nagsilbing ‘direktor’ […]
-
Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment
NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines. Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency […]