• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pekeng Portuguese, inaresto sa NAIA

INARESTO ng Bureau of immigration (BI) ang isang Guinean national na tinangkang pumasok ng bansa matapos na nagkunwaring isang Portuguese.

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Fatoumata Tanou Diallo, 38, na inaresto ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

 

Si Diallo ay tinangkang pumasok sa bansa dakong alas-4:00 ng hapon sakay ng Air Asia flight mula Incheon, South Korea.

 

Ayon kay BI’s Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ginamit ng suspek ang identity ng kanyang kapatid na si Ruguiato Djalo.

 

“During inspection, our officer noticed that Diallo’s facial features did not match with the picture in the passport she was carrying. She also failed to present other identification cards, or any proof of her admission and departure from South Korea,” ayon kay Manahan.

 

Nakilala lamang ang tunay na pagkatao ng suspek nang i-surrender nito ang kanyang Republique de Guinee na passport.

 

Sinabi ni Manahan na ang supek ay pinabalik sa kanyang bansa at naka-blacklist na rin ito at pinagbabawalan na siyang pumasok ng bansa.

 

“Our officers have undergone forensic training,” he said. “They are trained to detect fraud. Deceiving our officers will only get you in trouble,” paalala ni Morente.

 

Ang Portuguese passport ni i Djalo’s ay kinumpiska na at i-turn over sa Portuguese Embassy. (Gene Adsuara)

Other News
  • BALANSENG NUTRITION “PLANT-BASED DIET” VS CLIMATE CHANGE ISINULONG NG DENR

    Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga Filipino na labanan ang climate change sa pamamagitan ng pagtangkilik sa “plant-based diet” na napag-alaman na nakababawas ng “ecological footprint” ng “human food consumption.”   Ang DENR, sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB), ay naglunsad ng isang buwang “public information drive” upang hikayatin […]

  • 3 anggulo, sinisilip sa Laguna chopper crash

    SINISILIP ng Philippine National Police ang nasa tatlong anggulo sa nangyaring pagbagsak ng helicopter na sinakyan ng hepe ng kapulisan kasama ang 7 iba pa, ayon sa nangunguna sa imbestigasyon.   Huwebes, Marso 5, nang gulantangin ang lahat matapos na bumagsak ang Bell 429 chopper sakay si Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa matapos […]

  • Hinihintay nila ang tamang panahon: CHRISTIAN, ‘di napi-pressure na magkaanak sila ni KAT

    HANDA na raw magkaroon ng baby ang aktres na si Jenny Miller kahit wala siyang partner sa buhay ngayon.     Mag-turn 43 na si Jenny sa February 5 at naisip na raw niyang magkaroon ng baby niya dahil halos lahat daw ng mga kaibigan niya ay may mga anak na.     “I decided to […]