• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pekeng Portuguese, inaresto sa NAIA

INARESTO ng Bureau of immigration (BI) ang isang Guinean national na tinangkang pumasok ng bansa matapos na nagkunwaring isang Portuguese.

 

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Fatoumata Tanou Diallo, 38, na inaresto ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

 

Si Diallo ay tinangkang pumasok sa bansa dakong alas-4:00 ng hapon sakay ng Air Asia flight mula Incheon, South Korea.

 

Ayon kay BI’s Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ginamit ng suspek ang identity ng kanyang kapatid na si Ruguiato Djalo.

 

“During inspection, our officer noticed that Diallo’s facial features did not match with the picture in the passport she was carrying. She also failed to present other identification cards, or any proof of her admission and departure from South Korea,” ayon kay Manahan.

 

Nakilala lamang ang tunay na pagkatao ng suspek nang i-surrender nito ang kanyang Republique de Guinee na passport.

 

Sinabi ni Manahan na ang supek ay pinabalik sa kanyang bansa at naka-blacklist na rin ito at pinagbabawalan na siyang pumasok ng bansa.

 

“Our officers have undergone forensic training,” he said. “They are trained to detect fraud. Deceiving our officers will only get you in trouble,” paalala ni Morente.

 

Ang Portuguese passport ni i Djalo’s ay kinumpiska na at i-turn over sa Portuguese Embassy. (Gene Adsuara)

Other News
  • Aminado na may nagawang pagkukulang: DENNIS, umaasa na magkakaayos pa rin sila ng mga anak niya

    ISANG emosyonal na Dennis Padilla ang nakapanayam namin sa storycon ng bagong pelikulang ‘Magic Hurts’.     Alam naman ng publiko ang masalimuot na sitwasyon sa pagitan ni Dennis at mga anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon na mga anak nina Dennis at dati nitong karelasyon na si Marjorie Barretto.     Ang ‘Magic Hurts’ […]

  • Finale episode, nagtala ng all-time high concurrent viewers: SHARON, labis ang pasasalamat kay COCO at humihirit pa ng part two ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

    MARAMI talagang naapektuhan at pinaiyak sa farewell episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ last Friday na kung saan ang minahal na character ni Coco Martin na si Cardo Dalisay lang ang naiwang buhay sa Task Force Agila.   Isa sa nakapukaw ng damdamin ng mga viewers ang ‘tribute’ na ginawa nila ng serye para kay Ms. […]

  • TEMPORARY WORK STOPPAGE KONTRA KUMPANYA, INILABAS NG DOLE

    NAGLABAS  ng temporary work stoppage order ang Department of Labor and Employment Central Visayas (DOLE-7) laban sa food and beverages company  sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizer machine.     Sinabi ni Marites Mercado, hepe ng Tri-City field office ng DOLE-7, na naglabas ng  work stoppage order laban […]