• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pelicans star Williamson umalis sa “Bubble”

Nilisan ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang “Bubble” sa Walt Disney sa Orlando, Florida upang umano’y tugunan ang problemang medical ng kanyang pamilya.

 

Ayon sa ulat, suportado ni Pelicans executive vice president of basketball David Griffin ang ginagawang pag-alis ni Williamson sa Orlando upang makasama ang kanyang pamilya.

 

“Tama lamang na unahin muna nito ang emergency ng pamilya sa ngayon at inaasahan naming babalik ito  para maglaro at muling sasailalim sa COVID-19 testing bago magsimula ang National Basketball Association (NBA),” ani Griffin.

 

Bilang respeto umano kay Williamson, hindi muna isiniwalat ng NBA ang detalye sa tunay na dahilan sa paglabas  ng rookie player sa “Bubble.”

 

Sinabi ng NBA na muling sasailalim ang manlalaro sa 10 araw na quarantine kapag bumalik sa Orlando upang masiguro na hindi ito naghawahan ng coronavirus disease.

 

Itinuturing na susunod sa yapak ni NBA star LeBron James, ang 20-anyos na si Williamson ay kumakamada ng average na 23.6 points, 6.8 rebounds at 2.2 assists.

Other News
  • Infinite Trailer: Mark Wahlberg Remembers His Past Lives

    MARK Wahlberg remembers his multiple past lives in the first trailer for his new action movie Infinite coming to Paramount+ this summer. Over the last several years, Mark Wahlberg has become a veteran of the action movie genre. He’s starred in real-life-inspired adventures like Deepwater Horizon, joined the Transformers franchise for two installments, and launched new original franchise attempts like Mile 22 and Spenser […]

  • DOJ, hindi na kailangan pang bigyan ng direktiba ni PDu30 ukol sa gangwar sa NBP

    PARA sa Malakanyang, hindi na kailangan pang magbigay ng direktiba pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kay Justice Secretary  Menardo Guevarra hinggil sa nangyaring gangwar sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiwala si Pangulong Duterte sa kung ano ang   dapat gawin ni Sec. Guevarra  sa nangyaring […]

  • Mga pulis na nagsisilbing bodyguards sa POGO workers at officials, imbestigahan

    KINONDENA ng isang mambabatas ang napa-ulat na unauthorized assignment at deployment ng mga pulis bilang bodyguards ng Chinese POGO (Philippine Offshore Gaming Corporation) officials at workers. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang nasabing police scheme ay napa-ulat na ginagawa ng may ilang taon. Ang […]