• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG

HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag  ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa likod ng mga balita.

 

 

      Para sa mga reporters, isa itong natatanging araw na nagsasalo-salo at makadaupang-palad kasama ang mga matataas na opisyal ng Alted Publication sa pamumuno ng Presidente na si  Alma Torres at ang CEO at Publisher na si Teddy Boy Torres (na kasalukuyang nasa ibang bansa) kundi isa ring pagkilala sa mga ambag ng kanilang mga reporters at photographers nang binigyan sila ng  Sertipiko ng Pagkilala.

 

 

      Sinariwa ni Madam Torres nang sa kanya ipinagkatiwala ang pamamahala ng People’s Balita na tila isang suntok sa buwan kung paano nito pamunuan dahil hindi naman niya ito ‘forte’ subalit sa payo ng ilang kaibigan at sa tulong ng Maykapal ay kanya itong  napagtagumpayan na maituturing na isa sa mga ‘nabubuhay’ at matibay  na tabloid sa Pilipinas magpahanggang ngayon.  

 

 

      Dumaan din sa malaking pagsubok ang People’s Balita sa panahon ng pandemya kung saan mahigit dalawang taon na mistulang dumapa, subalit dahil sa determinasyon ng Presidente ay patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag.

 

 

      Isa ring malaking sorpresa sa pagtitipon ang pagdating ng Bise Alkalde ng Maynila na si John Marvin “Yul Servo” Cruz Nieto  na dumalo at   bumati sa naabot na taon nang pamamayagpag ng People’s Balita at kinilala rin nito  ang  malayang pamamahayag. Napakalaking karangalan ang pagdalo ni Vice -Mayor dahil alam naming sobrang abala nito sa dami ng schedules pero nagawa nitong puntahan ang nasabing imbitasyon sa lugar ng Quezon City.   

 

 

      Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ang PR Consultant at columnist na si Bishop Jesus Basco, General Manager Edward Debaculos, Editor-in-Chief Mary Rose Antazo, Entertainment Editor na si Rohn Rohn Romulo, maging ang dating People’s Balita Editor-in-chief na si Danny Marquez, espesyal na panauhin na sina Terry Bagalso at Zhalir Jaila na naging bahagi ng Atlas Publication at ng pahayagang ito.

 

 

      Naroon din ang masisipag at magagaling na manunulat na sina Vina De Guzman aka Ara Romero, Richard Mesa, Gene Adsuara, mag-asawang Atty. Ferdinand Sacmar and Lally Sacmar na matagal ng may column na Transport News sa People’s Balita.

 

 

      Pagkilala rin sa mga masisipag na empleyado sa Editorial at opisina ng Alted Publication na naroroon gaya nina Cecil Baldovino, Carl Dacasin, Paolo Torres, Rovic Botones, Lenlen Nabas, Stephen Ogalesco, Janet Ferrer, Dapne Bacacao, Mary Rose Robleza, Luisa Belanigue at Leo Asurto.

 

 

      Itinatag ang People’s Balita noong 1986 sa pamumuno ni Don Ramos Roces, ang Atlas Publishing Corp, na bukod sa Peoples Balita ay ito rin ang publisher ng Pilipino, Hiwaga, Tagalog Espesyal, True Ghost, Extra Especial, True Horoscope at iba pang kilalang komiKs sa Pilipinas.

 

 

 

      Nailipat ang pagmamay-ari ng Atlas Publication Inc at People’s Balita sa pamilya Socorro Ramos kaya bukod sa nabibili ang diyaryo sa bangketa ay nabibili rin ito sa National Bookstore at opisyal na naging pagmamay-ari ang pahayagang ito sa ilalim ng pamamahala nina Teddy Boy Torres at Alma Torres taong 2013 at ang mga sumunod pang pangyayari ay isa nang kasaysayan. Muli, ang aming pagbati sa People’s Balita ng Maligayang ika-38 taong Anibersaryo! GENE ADSUARA

Other News
  • 15 katao patay dahil kay “Enteng”; PBBM ipinag-utos ang mahigpit na pagbabantay sa dam

      UMABOT na sa 15 katao ang nasawi mula sa nagsamang epekto ng Tropical Storm Enteng (international name Yagi) at southwest monsoon o “habagat”.     Sa isang situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) office sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Office of […]

  • Jason Statham is Out for Vengeance in the New Red-Band Trailer of ‘Wrath of Man’

    A new red band trailer of MGM’s upcoming action-thriller, Wrath of Man just released.     The trailer arrives with the first official clip of the film, offering a closer look at Jason Statham’s “H,” the disturbingly adept sharpshooter introduced in the first trailer.     Check out below: https://www.youtube.com/watch?v=GFty3DRKEqM     The new trailer is decidedly less […]

  • Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque

    NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa.   Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH.   “At least doon sa PGH kung […]