“People’s Day sa Barangay” caravan, inilunsad sa Valenzuela
- Published on February 21, 2024
- by @peoplesbalita
UPANG gawing mas malapit at madaling maabot ng mga residente ang iba’t ibang serbisyo ng City Hall, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ‘People’s Day sa Barangay’ caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th anniversary nito.
Itinatampok sa caravan ang ilang mga booth at help desk na nag-aalok ng mga libreng social service kabilang na ang legal na konsultasyon, wifi at pag-print, medical assistance payouts, burial assistance payouts, libreng konsultasyon sa mga opisyal ng City Hall, open forum, libreng tinapay at kape at isang help desk ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ayon kay Mayor WES Gatchalian, layunin nito na ipatupad ang “People’s Day sa Barangay” caravan sa lahat ng barangay sa lungsod upang isulong ang inclusivity at accessibility sa mga serbisyong panlipunan nito.
Ang inisyatiba na ito ay nakatuon sa pagtugon sa mga tanong, alalahanin, at kahilingan ng mga Valenzuelano mula sa bawat barangay at paghahatid ng agarang aksyon.
Magbibigay din ang programa ng pagkakataon na magbukas ng isang diyalogo sa pagitan ng komunidad.
Nakipag-ugnayan rin si Mayor WES, kasama si Punong Barangay ng Karuhatan na si Martell Soledad, at iba pang pinuno ng opisina sa mga opisyal ng homeowner’s association upang ayusin ang kanilang mga alalahanin.
Ang kaganapan ay nagsilbi sa 300 na mga dumalo kung saan 159 ang nakatanggap ng tulong medical, pito ang nakatanggap ng burial assistance, apat ang nakatanggap ng wheelchair habang at isa naman ang nakatanggap ng walker. (Richard Mesa)
-
Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro
Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas. Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League. Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at […]
-
LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka
TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo. Sinabi pa ni Vera Cruz, […]
-
Nadal at Federer magsasanib puwersa sa Laver Cup
NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal. Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup. Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula […]