• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Peoples Empowerment Act, inaprubahan sa huling pagbasa

Inaprubahan sa huling pagbasa ang mga mahahalagang panukala kabilang na ang  House Bill 7950 o ang “People’s Empowerment Act.” 

 

Sa botong 217-0, at anim na abstensyon, layon ng panukala na itatag ang sistema ng pakikipagsosyo sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga civil society organizations (CSOs) sa pamamagitan ng pagtatatag ng People’s Council sa bawat local government unit (LGU).

 

Ang People’s Council ay kabibilangan ng mga akreditadong CSOs, na makikibahagi sa pagbuo, implementasyon at susuri sa mga aktibidad ng pamahalaan.

 

Magpapanukala rin ng lehislasyon ang People’s Council, gayundin ang paglahok at pagboto nito sa antas ng Komite ng lokal na sanggunian.

 

Aprubado rin sa huling pagbasa ang HB 8140 o ang “Media Workers Act”; HB 8057 o ang “Magna Carta of Filipino Seafarers”; HB 8164 o ang “Philippine Veterans Bank Act”; HB 7460, na nagdedeklara sa Davao bilang “Chocolate and Cacao Production Capital of the Philippines”; at ang HB 2378, na nagdedeklara sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang “Human Resource Capital.”   (ARA ROMERO)

Other News
  • WINWYN, masayang inamin na totoong buntis dahil hirap nang mag-lie; identity ng non-showbiz bf secret pa

    AFTER umugong ang tsismis na buntis ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez, ang kanyang pag-amin ang inaabangan ng press.     Nangyari ang pag-amin sa presscon ng kanyang launching film.     “I am pregnant… Ang hirap din namang itago. I am actually in my second trimester. Medyo kabado kasi medyo hindi ako lumalabas […]

  • Garantiya ng Malakanyang, may mananagot sa NBP incident; imbestigasyon, nakakasa na

    SINABI ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Karlo Nograles na may isinasagawa ng “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident.     Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente.     “Yes. Of course , mayroon tayong mga procedures na sinusunod diyan kapag nagkakaroon ng ganiyang klaseng mga pangyayari, a […]

  • PBA pa rin ang ‘most secure’ na opsyon para sa mga players – chairman

    Naniniwala si PBA chairman Ricky Vargas na hindi banta sa liga ang interes ng mga koponan mula sa ibang mga bansa sa mga Pinoy players.   Ayon kay Vargas, kumpiyansa itong babalik para maglaro sa PBA sa hinaharap ang mga dekalibreng Pinoy players na pinili munang maglaro sa ibang bansa.   Maliban kay Ravena, interesado […]