• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pera na kikitain mula sa E-sabong, kailangan – PDu30

KAILANGAN ng gobyerno ang perang kikitain mula sa online cockfighting operations.

 

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa groundbreaking ceremony para sa OFW Center sa Daang Hari, Las Piñas City, sinabi ng Pangulo na pinayagan niya na magpatuloy ang e-sabong dahil naubos at nasaid na ang ibang pondo dahil sa pandemiya.

 

 

“You know in e-sabong—baka magduda kayo, I don’t know anybody there—it is a transaction by PAGCOR [Philippine Amusement and Gaming Corporation]. I have the ultimate word on it because it gives us P640 million a month,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“Kailangan ko ang pera for those expenses na wala sa budget, hindi mo makuha sa budget, so you need money from the outside sources. Ngayon at the end of the year if I have the billions—at P640 million a month ‘yun ang maitulong ko agad [dahil ang] pandemic naubos ang contingency fund ko, pati y’ung intelligence fund, binigyan ko lang yung pulis, pati yung military. Ang sabi ko you just have to work on it,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inulit naman ng Pangulo na maaari niyang suspendihin ang e-sabong kapag napatunayan na may masama itong epekto sa publiko.

 

 

“Saan ako maghanap ng  P640 million a month, so I allowed it. Ang problema ganito. I have heard itong mga ito nagpupusta lahat, nagsasangla na para magpusta, ‘yun ang sabi ng taga-labas. If it is true, hihintuin ko ‘yan, masigurado ninyo. Before I go I will stop it kung totoo, but I have to sacrifice I said the billions that you would have earned kung nandyan ‘yan,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“So it’s a police work. Magtrabaho kayo, solve the crime, kahit sino man diyan you have mentioned so many personalities there and all are capable of doing it because they have criminal mind,” aniya pa rin.

 

 

Matatandaan na marami nang mga mambabatas at grupo ang umapela na itigil muna ang operasyon ng e-sabong, matapos mawala ang nasa mahigit 30 sabungero simula noong nakaraang taon.

 

 

Nabatid na naghain na ang Philippine National Police (PNP) Special Investigation Group Sabungero (SITG) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng reklamong kidnapping at serious illegal detention laban sa pamunuan at security personnel ng cockfighting arena. (Daris Jose)

Other News
  • LIEZEL, nag-post ng cyptic messages matapos makipaghiwalay kay KRISTOFFER; balitang binalikan na ang ex-girlfriend

    MABILIS na nagkaroon ng relasyon ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Liezel Lopez noong magkasama sila sa lock-in tapong ng teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.     Ngayon ay nagulat ang kanilang followers sa social media sa bilis din nang paghihiwalay nila.   Last week ay nag-post ng ilang cyptic messages si […]

  • Andrea, walang balak isa-publiko ang detalye ang break-up nila ni Derek

    NAGBIGAY na ang Kapuso actress na si Andrea Torres ng kanyang short statement noong November 20, tungkol sa break-up nila ni Derek Ramsay.         Ayon sa statement ni Andrea na pinadala sa GMANetwork.com.         “Yes, Derek and I are no longer together. I’d rather keep the details private as I want to give […]

  • Hall of Famers, sinala ng PSC

    INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City.   Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino […]