• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEAT, ABOT-KAMAY NA ANG NBA FINALS MATAPOS PASUIN ANG CELTICS SA GAME 4, 112-109

NANGANGAILANGAN na lamang ng isang panalo ang Miami Heat upang tuluyan nang makapasok sa NBA Finals matapos na makaligtas sa naghihingalong Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 112-109.

 

Bunga ng panalo, nakuha na ng Miami ang 3-1 lead sa best- of-seven series at makalapit ang koponan sa kanilang kauna- unahang NBA Finals mula noong 2014.

 

Kung maalala, huling pumasok ang Heat sa finals ay noong naglalaro pa si LeBron James sa Miami.

 

Nagawa pa ng Boston na mabura ang double-digit na defi- cit para mahawakan ang one- point lead sa fourth quarter, ngunit nakadiskarte pa rin ang Heat para makaabanseng muli.

 

Namayani nang husto sa kampo ng Heat ang rookie at pinakabatang player sa floor na si Tyler Herro na nagpakawala ng 37 points.

 

Si Herro rin ang ikalawang 20-anyos sa kasaysayan ng NBA playoffs na maka-iskor ng nasa 37 points sa isang laro.

 

Ang isa pa ay si Magic Johnson na kumamada ng 42 sa Game 6 ng 1980 NBA Finals para sa Los Angeles Lakers.

 

“I feel good about it,” wika ni Herro. “There’s a lot of work to be done still. We’re up 3-1.”

 

Umalalay din sina Jimmy Butler na umiskor ng 24 points, at si Goran Dragic na may 22 points.

 

Nabalewala naman ang 28 points na binuslo ni Jayson Tatum.

 

Tatargetin na umano ng Heat na tapusin na ang laban sa Game 5 sa Sabado.

 

Ngunit alam nilang ibubuhos lahat ng Celtics ang kanilang makakaya para piliting mapalawig pa ang serye sa Game 6 at Game 7 kung kinakailangan.

Other News
  • Biden personal na binisita ang Uvalde, Texas matapos ang madugong pamamaril sa isang paaralan

    PERSONAL na binisita ni US President Joe Biden ang bayan ng Uvalde sa Texas para makidalamhati sa mga pamilya ng biktima ng pamamaril sa isang paaralan.     Matapos ang pagdalo sa misa at nagtungo ang US President sa itinayong memorial malapit sa Robb Elementary School kung saan nandoon ang pangalan ng 19 mag-aaral at […]

  • Maraño may kondisyon sa pagpagupit ng buhok

    SABAY tayo!     Ito ang ni Philippine SuperLiga (PSL) star Abigail ‘Aby’ Marano ng F2 Logistics Cargo Movers sa nobyong si Philippine Basketball Association (PBA) Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort Batang Pier.     Kaugnay ito sa kontrahan nila sa pagpapaputol ng buhok ng 28-anyos, 5-9 ang taas at Ilongga middle hitter.   […]

  • ALJUR, hinamon si KYLIE na sabihin kung sino ang unang nag-cheat sa kanilang relasyon; malaking sampal kung totoong pinagtaksilan

    HOT topic ang IG post ni Aljur Abrenica kung saan sinabihan niya ang ex-wife niyang si Kylie Padilla na magsabi nang totoo kung sino ba ang talagang unang nag-cheat sa kanilang relasyon.     Mahaba ang post ni Aljur (written in English) pero ang ibang netizens ay pinagdudahan pa kung si Aljur nga ba talaga […]