Perez, Adams aangas sa Dyip
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
MAPUWERSA ang bagong kumbinasyon ng Terrafirma Dyip sa katauhan nina Christian Jaymar (CJ) Perez at Roosevelt Adams.
Kapwa top picks ng behikulo ang dalawa. Si Perez sa 34 th Phil- ippine Basketball Association Rookie Draft 2018 at si Adams ay sa 35 th PBA RD 2019.
Dalawang ‘halimaw’ sila ng Terrafirma na dapat katakutan ng mga karibal sa 45 th PBA Philippine Cup 2020 eliminations restart sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga na nagbukas nitong Linggo, Oktubre 11.
Kasama ng dalawang kampeon sa National Collegiate Athletic Asso- ciation o NCAA vuhat sa Colegio de San de Letran sina Christian Balagasay at Bonbon Batiller, na magpapaharurot sa nagbagong-bihis na Dyip.
“We are a very dangerous team,” paalala ng 22-anyos, 6-5 ang taas at tubong Arizona, USA na si dams. “So watch out for us.”
Nagpasikot-sikot ang Filipino-American cager sa mga koponan ng Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL teams saka nagpa- draft sa propesyonal na liga.
Magkatulad ng takbo at matapang na umaatake sa sina Adams at Perez na ikasasakit ng ulo ng mga kalaban.
Misyon ni Perez sa mahigit dalawang buwang liga ang naumpisahan sa nakaraang season nang gawaran siya ng Rookie of the Year.
“Dalangin ko lang na hindi ako mawala sa kondisyon,” namutawi naman sa dating NCAA Most Valuable Player buhat sa Lyceum of the Philippines University. “Kaunting adjustment pa saka gigil. Sana mapatunayan ko na worthy ako du’n sa ROY award.”
Nakatakdang makilatis ang dalawang angas ni ni coach Johnedel Cardel ang bagong langis na Dyip kontra Talk ‘N Text Martes (Oktubre 13) ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena ang Cultural Center.
Sige nga mapanood ang kumbinasyong Perez at Adams. (REC)
-
Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels
NAGKAHABULAN ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes. Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang […]
-
Ads February 3, 2022
-
Mahigit 400 atleta dumalo sa test event ng Tokyo Olympics
Dinaluhan ng ilang dang mga atleta sa test event sa Olympic Stadium sa Tokyo. Isinagawa ng organizer ang nasabing hakbang para malaman nila ang ilang gagawin nilang adjustments tatlong buwan bago ang pagsisimula ng nasabing Tokyo Olympics. Walang mga inimbitahan manood na audience sa nasabing stadium kung saan doon gaganapin ang […]