• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perez mas maaga ng 1 linggo sa mga kasama

MAYROONG dalawang tsansa na makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa pagiging myembro ng national 3×3 at 5-on-5 national men’s basketball teams.

 

Kaya naman todo ang 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft na si Perez na magpakondisyon para sa natatanging posibilidad na karangalang katawanin ang Gilas Pilipinas at Chooks-To-Go 3×3 squad.

 

Sa Enero 22 pa dapat ang pasok ng Gilas second batch sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa bubble training camp pa-30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 Qualifier third window sa Clark Freeport sa Pebrero 15-23, pero nauna na roon nang mas maaga ng isang lingo ang Terrafirma Dyip star.

 

Kabilang din si Perez sa 3×3 nina Moala Tautuaa, at rookie draft applicants  Alvin Pasaol at Joshua Munzon na kakasa sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament  2021 sa darating na Mayo 26-30 sa Graz, Austria.

 

Nilakbay ni Perez, 27 ang Pangasinan pa-Laguna upang sumali sa training pool nitong Biyernes, Enero 15. Pagdating ng alas-3:00 nang hapon, agad nagpa-RT-PCR test bago pumasok sa makabagong pasilidad ng National University ng pamilyang Sy. (REC)

Other News
  • Diasnes, 2 iba pa gold sa taekwondo

    BINALIKAT ni Cindy Joy Diasnes ang napasakamay na tatlong gold medal ng Philippine taekwondo squad nitong Linggo sa ASEAN Taekwondo Federation Online Speed Kicking Championships.   Namayagpag ang Pinay sa senior female 57-kilogram o featherweight, habang mga naka-gold din sina Justin Kobe Macario senior male 58-kg. flyweight,at Jeordan Dominguez sa senior male 69kg. feather- weight. […]

  • P100 milyong frozen meat, agri-commodities nakumpiska

    TINATAYANG nasa P100 milyong halaga ng frozen meat at agri-commodities ang nasamsam sa isinagawang joint raid ng mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse na na-covert na cold sto­rage facilities sa Kawit, Cavite, iniulat kahapon.       Ayon sa DA, nadiskubre […]

  • Comelec iniimbestigahan na ang pagtapon ng training ballots sa Cavite

    INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang nadiskubreng pagtapon ng training ballots sa Cavite.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kanila ng inaalam kung bakit nadala ng F2 Logistics ang kanilang service provider ang mga nagamit na balota mula sa Tondo papunta sa Cavite at bakit anduon ito sa isang tabi. […]