• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Perfect timing ang MMFF movie at wish na mag-win: JAKE, ayaw nang mag-elaborate sa mabigat na pinagdaanang pandemya

AYAW nang mag-elaborate pa ni Jake Cuenca kung bakit parang naging mabigat sa kanya ang pinagdaanang pandemya.
Napansin kasi namin kay Jake na oo nga’t halos lahat naman ay naaapektuhan ng pandemya, pero parang nagkaroon talaga ng matinding impact ito sa kanya.
Sabi ni Jake, “so many losses. Ang dami… family members, friends, even network as you see. Pero yun nga, parang ayoko na mag-elaborate pa.
“Ang daming nawala, ang daming loss. Family members who passed away. Hindi kasi ako mahilig mag-share, wala na rin naman magagawa ‘yon.
“Saka ako nga ang kontrabida, wala na rin, ayoko na rin naman ‘yung masyadong humingi ng maraming simpatiya, ‘di ba? Basta, maraming nangyari at ayoko ng isa-isahin. I just try to move on from all of them, from all the loss.”
Ang maganda lang kay Jake, hindi naman daw siya umabot sa depression. In fact, kaya raw gusto niyang gumawa ng mga challenging roles dahil dito niya gustong ibuhos ‘yung lahat ng pinagdaanan niya.
Kaya niya sinasabing perfect timing ang pagdating ng 2022 MMFF entry na “My Father, Myself”.
“Ang ganda ng timing, the perfect project that I am looking for. And sa totoo lang, when I did this project, hindi ko naman inakala na makakapasok pala siya sa MMFF.”
Malakas ang laban ni Jake for Best Actor at malapit na rin ang kanyang ika-35th birthday. And yes, ang birthday wish niya ay sana nga, he will bring the MMFF Best Actor for this year.
***
NAPATUNAYAN na naman na kapag ang isang babae ay heartbroken at nagsisimulang mag-heal at mag-move-on, nagkakaroon ng ibang freshness at glow.
At hindi ito itinanggi ng singer na si Moira dela Torre sa naging interview sa kanya ni MJ Felipe. Inamin ni Moira na before raw talaga, hindi siya confident sa looks niya.
“I think I just healed. There was a long time when I wasn’t confident in how I look and how I felt.
“Ngayon ko lang siguro naramdaman na I don’t look so bad after all.”
Sabi pa niya, “Now, I’m very careful with the people that I allow into my life, the projects that I allowed in my life.”
Obvious nga na mas iba ang outlook ni Moira ngayon na nagra-radiate hanggang sa physical appearance niya.
Inamin din niya na early this year pa lang, nakakakutob na raw siya na there’s something wrong sa marriage nila. Kaya parang in a way, na-ready rin daw siya sa nangyari.
Nang tanungin ito kung handa na siyanhg ma-in-love muli. Natawa si Moira at sinabing “I’m open.”
Hindi raw siya naghahanap, pero alam daw niyang darating ito if it’s for her.
META:  Nag-open-up na si Moira sa naging hiwalayan nila ng asawa. Aminadong dati, hindi confident sa looks niya, pero ngayon na healed na siya, mas nakita raw niya na hindi naman daw pala gano’n ka-bad ang looks niya. At open na rin daw siya for a relationship.
Other News
  • President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7

    Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022.     Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at […]

  • Ateneo center 6’10” Angelo Kouame, isa ng Filipino citizen

    Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill na siyang hudyat upang magawaran ng Filipino citizenship ang Ateneo de Manila center na si Angelo Kouame.     Ang 23-anyos at 6-foot-10, 220 lbs na si Kouame ay nagmula sa Ivory Coast at naging bahagi sa dalawa sa three-peat achievement ng Ateneo.     ng […]

  • THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION

      THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION As we face life’s challenges…in the midst of our busyness… we are invited to take an opportunity to reflect on the personal meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; […]