‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
PINAKIKILOS na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o whooping cough sa lungsod.
Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat na ang nasawi.
Ayon naman kay QC Epidemiology and Surveillance Dept Chief Dr. Rolly Cruz, kadalasang biktima ng sakit na ito sa lungsod ay mga sanggol na wala pang anim na buwang gulang. Aniya, ang pagsirit sa kaso ng pertussis ay dulot ng kawalan nang bakuna ng mga sanggol.
Sa kasalukuyan, 14 brgy na ang apektado ng pertussis sa QC kung saan pinakamarami ang kaso sa Brgy. Payatas B.
Gayunman, tiniyak ni Belmonte na walang dapat ikabahala ang mga residente dahil nakatutok na ang pamahalaang lungsod para agad na matugunan ang sitwasyong ito.
Kabilang sa hakbang ng LGU ay ang pinaigting na surveillance, at contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Plano na rin ng pamahalaang lungsod na bumili ng sariling Pentavelant Vaccine panlaban sa kumakalat na pertussis.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ng LGU ang mga residente na sundin ang tamang respiratory hygiene lalo na kapag umuubo, at ugaliin pa rin ang tamang pag-iingat gaya ng regular na paghuhugas ng kamay.
Para sa mga may anak na sanggol pa, iwasan munang dalhin ito sa matataong lugar.
Hinikayat din ang mga may sintomas ng ubo na agad magpakonsulta sa pinakalamalapit na health center, magsuot ng face mask at huwag munang lumapit sa mga sanggol.
-
KRIS, binuweltahan ang basher na tinawag siyang ‘pangit’ kapag walang makeup pero ‘di nanglait
BINUWELTAHAN ni Queen of All Media Sinagot Kris Aquino ang isang netizen na tinawag siyang pangit kapag walang makeup na napansin sa ibinahaging video sa social media accounts kung saan gumagawa siya ng mga flower arrangements. Caption ni Kris sa video, “Kamusta ang Monday nyo? Because I believe ini-effort ang ang maging happy. […]
-
Pangulong Duterte at Senator Bong Go, sumailalim sa COVID-19 test
TAPOS na ang COVID-19 test kina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go. Sinabi ni Sen. Go, alas 5pm kahapon nang kunan sila ng swab sample sa Bahay Pagbabago sa PSG Compound. Nais umano nilang makatiyak na negatibo sila sa virus matapos makahalubilo nila kamakailan ang isang nagpositibo sa COVID-19. Hinihintay pa ang […]
-
Kahit nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome: CELINE DION, pumayag na mag-perform sa 2024 Olympics sa Paris
KAHIT na nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome, pumayag si Celine Dion na mag-perform sa 2024 Olympics in Paris, France. Sey ng Canadian music legend, aawit lang daw siya ng one song: “I’ve chosen to work with all my body and soul, from head to toe, with a medical team. I want to be the […]