Pagpunta sa indoor religious gatherings, nagsisiksikang mall at tiangge…mga high risk activities ngayong holiday season – Malakanyang
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko ukol sa inihahandang contingency plan ng Department of Health ngayong holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuti nang maging maagap lalo’t ang panahon ng Kapaskuhan ay isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya at mahal sa buhay.
Kaugnay nito’y inisa- isa naman ni Sec. Roque ang mga aktibidad ngayong holiday season na nasa kategoryang high- risk.
Kabilang dito ang pisikal na pagdalo sa mga indoor religious activities na maraming attendees, pamimili sa masisikip na tiangge at shopping mall.
Kinukunsidera namang medium risk ang mga maliliit na pagtitipon sa labas o public areas alinsunod sa physical distancing at restrictions on mass gatherings habang ligtas naman ang pagdalo sa online masses, Noche Buena o Media Noche kasama ang pamilya sa loob ng tahanan, online video calls sa mga pamilyang magkalayo ngayong holiday season at pamimili sa online stores. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
P45M insentibo binigay, inani ng SEAG coaches
SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pamimigay ng tseke mula sa inilaang halos P45 milyon cash incentives para sa 182 national coaches matapos masungkit ng Team Philippines ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games. Batay sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No. 10699 o mas kilala bilang National Athletes and […]
-
KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE
GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live, ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR. Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]
-
ALDEN, nakapag-celebrate pa rin ng 30th birthday sa ‘Eat Bulaga’ kahit nasa Amerika; may teleserye sila ni BEA bukod sa pelikula
NAG-CELEBRATE pa rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng kanyang 30th birthday sa Eat Bulaga last Monday, January 3, dahil that time ay January 2 pa sa San Francisco, California, his actual birthday. At nakipagkulitan pa si Alden kina Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K at sa guest […]