Peso naitala ang bagong all-time low vs US dollar – BSP
- Published on September 7, 2022
- by @peoplesbalita
NASA ikatlong araw na trading day na sunud-sunod na sumadsad sa pinakamababang halaga ang piso laban sa dolyar.
Sinasabing nalugi sa 22.9 centavos ang piso mula noong Biyernes laban sa dolyar.
Ang paghina lalo ng piso ay kasunod umano ng mga pahayag ng mga opisyal ng Federal Reserve sa Amerika na kailangan pa ang mas mahigpit na monetary policy bago makontrol ang inflation.
Liban sa nasabing dahilan, nanghina rin ang piso matapos ang bagong record-high na pagkakautang ng Pilipinas.
Una nang napaulat na ang Philippine government running debt stock ay lomobo pa sa bagong all-time high ng P12.89 trillion.
Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) meron na silang mga nagawa upang ma-stabilize ang peso matapos ang serye ng rate hikes.
Sa ngayon wala naman daw problema sa peso kundi ang may problema ay ang dolyar.
Mula noong Disyembre ng nakalipas na taon, umaabot na sa 11.76% o halos P6.00 na ang ikinalugi ng peso mula sa dating P51-per-dollar close noong December 31, 2021.
Nitong Lunes naitala sa BSP rates ang isang dolyar na katumbas ng P56.79.
-
Pilipinas, kasama sa unang batch ng mga bansang makakabenepisyo sa vaccine donation ng Estados Unidos
KABILANG ang Pilipinas sa first batch ng mga bansang mabibigyan ng vaccine donation ng Estados Unidos. Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez, naabisuhan na siya ng White House hinggil sa naturang inisyatibo ng amerika. Iyon nga lamang ay hindi naman masabi ni Romualdez kung ilan mula sa 80 million doses na […]
-
‘Matagumpay ang COVID-19 response, kung wala ng bagong kaso sa loob ng 28-days’ – DOH
Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring katiyakan ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas kahit bahagyang bumaba ang mga bagong kaso ng sakit na naitala sa nakalipas na araw. Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, naka-depende pa rin sa ipinapasang data ng Disease Reporting Units (DRUs) ang numero ng kanilang […]
-
P86 bilyong investment deals nakopo ni PBBM sa Australia visit
NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng US$1.53 bilyon, o P86 bilyong puhunan mula sa 14 business deals na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes. Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alferdo Pascual, na ang mga business deal ay nakahanda upang himukin ang […]