• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Petecio, Paalam swak sa Summer Olympic Games

TUMAAS na sa anim ang mga magiging pambato ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ginambala ng Covid-19 kaya naurong sa parating na Huly 23-Agosto 8 sa pagkakapasok na rin nina women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam bunsod sa mataas na world rankings.

 

 

Ipinaaalam ang kaganapan nitong Biyernes ng  International Olympic Committee Boxing Task Force (IOC-BTF) sa Philippine Olympic Committee (POC) ang pag-qualify ng dalawa sa quadrennial sportsfest na unang tinakda noong Hulyo 2020.

 

 

Sina middleweight Eumir Felix Marcial at flyweight Irish Magno ang unang dalawang boxer na mga umentra sa Tokyo Olympics sa pagpasa sa Asian-Oceanian Olympic Qualifiers sa Amman, Jordan noong Marso 2020.

 

 

Nakapuwesto na rin para sa pinakamalaking paligsahan sa daigdig sina gymnast Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

“Let us all get together and focus on the challenges ahead not only of our boxers but all Pinoy athletes. Now, more than ever, they need us to stand firmly behind them,” reaksiyon ni Association of Boxing Alliances in the Philippines president Victorico Vargas. (REC)

Other News
  • 83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro

    INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act.     Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023.     Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]

  • Malakanyang, ipinaubaya na sa mga botante ang pagpili sa party-list

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga botanteng filipino ang pagpili ng napupusuan ng mga ito party-list group in the May 2022 polls.     “The public has the freedom to choose and elect leaders whom they believe will serve national interest and public welfare,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.   […]

  • Malakanyang, naniniwala na hindi na sisirit pa ang kaso ng Covid -19

    NANINIWALA ang Malakanyang na posibleng hindi na sumirit pa ang kaso ng COVID-19 habang ang bansa ay kumikilos para pagaanin restrictions sa public transportation.   Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, batid naman na ng mga Filipino kung ano ang gagawin sa panahon ng pandemiya.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay […]