Petecio sisiguro ng bronze medal
- Published on July 30, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang magiging inspirasyon kay featherweight Nesthy Petecio ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic Games gold medal ng Pilipinas.
Nakatakdang labanan ngayong araw ni Petecio si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colombia sa quarterfinals ng women’s 54-57 kilogram division sa Olympic boxing competitions sa Kokugikan Arena.
Makikipagbasagan ng mukha si Petecio, nagreyna noong 2019 World Boxing Championships, kay Castaneda para sa bronze medal sa ganap na alas-10 ng umaga (Manila time).
Sakaling talunin ni Petecio si Castaneda, ang bronze medalist noong 2019 Pan American Games, ay dalawang panalo pa ang kailangan niya para makamit ang ikalawang Olympic gold ng bansa.
“We will look at the videos of her fights here,” sabi ni Don Abnett, ang Australian coach ni Petecio, sa Colombian pug. “We know her next opponent will be tough, but we’re very confident.”
Umiskor si Petecio ng 3-2 panalo laban kay top seed at World No. 1 Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei para umabante sa quarterfinals.
Isang 5-0 pagdomina muna kay Marcelat Sakobi Matshu ng Congo ang inilista ng tubong Santa Cruz, Davao del Norte sa round-of-32.
-
Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon
NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis. “Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir […]
-
Pinatigil ang project na ipo-produce at idi-direk: CHANNING TATUM, na-depress nang ‘di natuloy ang pagbibidahang Marvel film na ‘Gambit’
NAGPAPASALAMAT ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo sa kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay dahil naging acting coach niya ito sa ginawa nilang music video na “Everybody Hurts” na inawit nila Julie Anne San Jose at Christian Bautista. For the first time daw ay naging serious sila ni Allen sa paggawa […]
-
‘Amazing performance’ ni Steph Curry na may 50-pts nagpanalo sa Warriors vs Hawks
Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Stephen Curry upang itumba ng Golden State Warriors ang Atlanta Hawks sa iskor na 127-113. Umabot din sa siyam na three points shots ang naipasok ng two-time MVP at walang sablay sa free throw line. Liban nito nagtala rin si Curry ng […]