• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon

NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis.

 

“Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir the president has addressed your views. You’re sourgraping because he did not appoint you as secreatry of health. Pasensyahan na lang po,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang advice ko lang kay Dr. Leachon hindi mo pinagbuti ang trabaho mo sa IATF at ang nakita natin meron kang ulterior motive aside from serving our people kaya tinanggal ho namin kayo. ‘Yun pa lang nakita natin na si Dr. Leachon wala talagang word of honor yan, talagang mahirap makasama,” ang pahayag naman ni Galvez

 

Sa isang panayam kasi kay Leachon ay sinabi nito na natatawa siya na mare-reject na naman ang rekomendasyon ng IATF na buksan na ang mga traditional cinema sa bansa.

 

“Dapat siguro, wala ng IATF kasi lagi namang nabi-veto eh. At mas matatalino pa nga iyong mga netizens natin eh. Praktikal silang mag-isip eh. So, sa atin lang naman na comment iyon. I think, it’s about time na i-revisit natin kung ano ang role ng IATF. It has become a battle neck area for decisions not based on science. And the end of the day, we should delegate it to the Metro Manila mayors in terms of the implementation kasi mas nakakaalam sila on the pulse of the nation eh,” ayon kay Leachon.

 

Para pa rin kay Leachon, kailangan nang i-abolish ang IATF dahil irrelevant na sa ngayon ang task force dahil mas praktikal aniya pa na mag-isip ang mga netizens.

 

Bukod pa aniya sa marami ng ipinalabas na guidelines ang IATF na na-veto.

 

“Kasi walang maipresent na scientific reason for the cinema eh. So, saan nila pinupulot ang data nila to make guidelines tapos ibi-veto ng NCR. And since may local government code.. ang local government code supersedent the national code. at the end of the day, ang Mayor pa rin ang magi-implement kahit may IATF,” ang pahayag ni Leachon.

 

Para kay Leachon, makabubuti na nakatuon na lamang ang pansin ng IATF sa centrality ng focus ng buong mundo.

 

“So, kung inuuna natin ang procurement ng bakuna, in-implement natin ito at hindi tayo nagi-implement ng maliliit na bagay na walang kabuluhan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM

    NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund.     Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment […]

  • Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Sec. Sitoy na pumanaw na

    NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, mahal sa buhay at mga kasama ni Secretary Adelino Sitoy of the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na pumanaw na sa edad na 85.   Para sa Malakanyang, nakatulong si Sitoy sa pakakapasa sa mga mahahalagang legislative reform measures ng Duterte administration.   Bilang pinuno ng PLLO, tinitiyak […]

  • Taas pasahe, nakaamba sa Setyembre

    MAY nakaambang panibagong pagtataas sa singil sa pasahe sa darating na Setyembre.     Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Cheloy Garafil, maaaring ilabas nila ang desisyon sa susunod na buwan.     Anya may nakabinbin pang petisyon ang UV express vehicle sa singil sa pasahe bukod pa sa naunang inihain […]