• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Petisyon vs PUV modernization, ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang isang petisyong humihiling na ipawalang-bisa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

Sa desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ibinasura nito ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng mga petitioners na Bayyo Association. Inc. (Bayyo) at ng pangulo nito na si Anselmo D. Perweg.

 

 

Hinahamon ng Bayyo, na nagpapakilala bilang isang samahan na binubuo ng 430 jeepney operators at drivers na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) at nag-o-operate sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila, ang validity ng DOTr Department Order (DO) No. 2017-011, na may kinalaman sa implementasyon ng PUVMP.

 

 

Ikinatwiran ng mga petitioners na ang DO No. 2017-011 ay isang invalid delegation ng mga legislative power at ang paragraph 5.2 nito ay ‘unconstitutional’ dahil sa paglabag sa due process at equal protection clauses ng Konstitusyon.

 

 

Anila pa, kaakibat ng naturang probisyon ang phaseout at pagpapalit ng mga lumang PUVs ng mga brand new at environment-friendly units.

 

 

Gayunman, sinabi ng SC na dapat lamang na ibasura ang petisyon dahil sa kakulangan ng legal standing ng petitioners at paglabag sa principle of hierarchy of courts.

 

 

Bagama’t nagprisinta ang Bayyo ng Certificate of Registration mula sa SEC na ito ay rehistrado bilang asosasyon ay bigo itong patunayan na ang kanilang mga miyembro ay tunay ngang mga PUJ operators at drivers.

 

 

Bigo rin umano ang Bayyo na ipakita kung sino ang kanilang mga miyembro at patunayan na sila ay duly authorized ng mga ito upang ihain ang naturang petisyon.

 

 

Nalabag din ang principle of hierarchy of courts, na nagsasaad na ang petisyon ay dapat na idulog muna sa pinakamababang hukuman na siyang may hurisdiksiyon dito, hanggang sa makarating ito sa Korte Suprema. (Daris Jose)

Other News
  • Japanese boxer Naoya Inoue pinabagsak si Butler

    Pinatumba ni Japanese boxing superstar Naoya Inoue si Paul Butler sa kanilang laban na ginanap sa Ariake Arena sa Koto-Ku, Japan.     Sa simula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Inoue ang mga suntok ang kalaban nito.     Tumuloy ang pagpapakawala ng Japanese boxing star ng body shots at top […]

  • Top team na Suns at Sixers parehong pasok na sa NBA semifinals

    TINAPOS na ng Philadelphia Sixers ang kanilang serye sa Game 6 matapos na tambakan kanina sa score na 132-91 ang Toronto Raptors sa first round ng playoffs.     Dahil dito uusad na sa NBA semifinals ang Sixers na hawak ang 4-2 record.     Naging balanse sa opensa ang Sixers sa pangunguna ng MVP […]

  • Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy

    IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialia­tion and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.         Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.       […]