• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PFIZER VACCINE, DINAGSA NG MGA NAIS MAGPABAKUNA SA MAYNILA

DINAGSA ng mga nais magpabakuna kontra COVID-19 vaccine gamit ang Pfizer ang Manila Prince Hotel sa Ermita noong Lunes.

 

 

Madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila na kinabibilangan ng kategoryang A1 (medical frontliners), A2 (senior citizen), at A3 (person with comorbidity) para sa kanilang first dose.

 

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nasa 900 doses ng Pfizer vaccine ang nakalaan sa mga nais magpabakuna sa nasabing hotel.

 

 

Personal din na nagtungo sa nasabing vaccination site bilang kinatawan ng lokal na pamahalaang lungsod si Liga ng Barangay President Lei Lacuna upang magbigay ng direktiba at maisaayos ang pila ng mga nais magpabakuna.

 

 

Bukod sa Manila Prince Hotel ay may 18 vaccination sites pa ang lokal na pamahalaang lungsod na matatagpuan sa buong Maynila kung saan gagamitin ang bakunang Sinovac para sa first dose na nakalaan sa kategoryang A1 hanggang A3.

 

 

Matatagpuan ang mga nasabing vaccination sites sa District 1- Emilio Jacinto Elementary School, Isabelo Delos Reyes Elementary School, at Vicente Lim Elementary School; District 2 – Pres. Sergio Osmeña High School, Francisco Benitez Elementary School, at Plaridel Elementary School; District 3 – Andres Bonifacio Elementary School, Pedro Guevarra Elementary School, at Juan Sumulong Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School, General Malvar Elementary School, at Graciano Lopez Jaena Elementary School; District 5 – Rafael Palma Elementary School, Justo Lucban Elementary School, at Aurora Quezon Elementary School; at sa District 6 – Jacinto Zamora Elementary School, Sta. Ana Elementary School, at EARIST.

 

 

Kasabay nito ay magsasagawa naman ng second dose vaccination gamit ang AstraZeneca vaccine sa Ospital ng Maynila para sa kategoryang A1 hanggang A3 na naturukan ng kanilang first dose nitong Marso 19 at Marso 23.

 

 

 

Bukod dito ay may gagawin din na home service vaccination para sa mga bedridden citizen sa lungsod kabilang na ang mga naka-schedule sa kanilang second dose gamit ang Sinovac vaccine para sa kategoryang A1 hanggang A3 na naturukan ng kanilang first dose nitong Abril 20.

 

 

 

Muling pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga magpapabakuna na nakapag-pre-register na dalhin ang waiver form o QR code para sa gagawing beripikasyon.

 

 

 

Muling hinimok ng Alkalde ang mga hindi pa nakakapagpalista na magpunta sa www.manilacovid19vaccine.com para makapagpa-register.

 

 

 

Muling nagpa-alala si Yorme sa mga magpapabakuna na huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes

    Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games.     Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.     “Ang […]

  • Hamsain dumale ng 3 gold

    NAGNINGNING NANG HUSTO Si Fatima Hamsain nang humablot ng tatlong gold medal katatapos na Inner Strength Martial Arts 1st International E-Tournament eKata and eKumite Championships.     Huling kpinamayagpagan ng Pinay karateka ang  female under-15 e-kumite sa Shotokan E-Kata nang mangibabaw sa finals laban sa isang Greek opponent via 23.3-21.9 deicision.     Siya rin […]

  • Mga world leaders nagpaabot nang pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si Queen Elizabeth II

    PATULOY ang pagpapaabot ng mga world leaders ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng namayapang si Queen Elizabeth II.     Inalala ni US President Joe Biden si Queen Elizabeth noong una niya itong makita ng personal, sa taong 1982 at ang huli ay noong 2021 ng magtungo ito sa United Kingdom.     “Queen Elizabeth […]