Pfizer vaccine iturok sa mahihirap – Duterte
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibibigay sa mga mahihirap ang COVID-19 vaccine na gawa ng US-based Pfizer-BioNTech na nanggagaling sa COVAX Facility.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kautusan ng Pangulo ay batay sa patakaran ng COVAX facility.
“Ipinag-utos din po ng Pangulo na ibigay ang Pfizer sa mga mahihirap or sa indigent population dahil ‘yan po ang patakaran ng COVAX,” ani Roque.
Inaasahan na nasa 2.2 milyon bakuna pa na gawa ng Pfizer ang darating sa bansa ngayong Mayo bukod pa sa 193,000 na nai-deliver na.
Prayoridad ng COVAX facility na maibigay ang suplay sa mga health workers, matatanda at mga taong may ibang karamdaman.
Sinabi rin ni Roque na huwag ilagay sa mga mall ang Pfizer kundi sa mga vaccination sites ng mga barangay kung saan mababa ang takeup ng vaccines.
Naniniwala rin si Roque na tumataas na ang kumpiyansa ng mga tao sa bakuna (Daris Jose)
-
Sky Candy pinapaboran
MAY pitong kabayo ang idineklarang mga tatakbo sa pag-arangkada ng 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) 3-Year-Old Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon (Linggo, Oktubre 25). Nagtagisan sa papremyong sina American Factor, In The Zone, Kick The Gear, Phenom, Sky Candy, Spuntastic at Tony’s Love. Nakikinita ng mga […]
-
Mayor Jeannie, kinilala bilang “Most Influential Filipina Woman in the World”
NAPILI si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para tumanggal ng pristihiyosong “Most Influential Filipina Woman in the World” award mula sa Foundation for Filipina Women’s Network (FWN). Si Sandoval ay pinarangalan sa Awards Gala Ceremony, ang highlight ng 20th Filipina Leadership Global Summit, na ginanap sa Sheraton Grand Sydney Hyde Park sa Sydney, […]
-
2025 budget, halos P10 billion para sa HMO benefits ng mga manggagawa ng gobyerno
KABILANG sa P6.35-trillion na panukalang national budget para sa 2025 ay ang alokasyon na nagkakahalaga ng halos P10 billion para sa health maintenance organization (HMO) benefits para sa mga manggagawa ng gobyerno. “It’s almost P10 billion, or P7,000 per employee. Per year po. Because we [government workers] do not have health maintenance,” ayon […]