• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sky Candy pinapaboran

MAY pitong kabayo ang idineklarang mga tatakbo sa pag-arangkada ng 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) 3-Year-Old Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon (Linggo, Oktubre 25).

 

Nagtagisan sa papremyong sina American Factor, In The Zone, Kick The Gear, Phenom, Sky Candy, Spuntastic at Tony’s Love.

 

Nakikinita ng mga karerista, ang kapana-panabik na harurutan sa 1,800-meter race na suportado ng Philracom dahil puro mga future champion ang grupo ng mga kasali.

 

“Sky Candy pa rin ako riyan. Pero sigurado mapapalaban siya sa mga kasali na mga pang stakes race rin ang kalibre,” reaksyon ni Amelito Garcia, na madalas makasaksi sa ensayo ng ilang kabayo nang hindi pa nang hindi pa nagka-Covid-19 ang bansa nitong Marso. (REC)

Other News
  • Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

    IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.     Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.     […]

  • 3 timbog nang magtransaksyon ng shabu sa harap ng mga pulis sa Navotas

    Kalaboso ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos magtransaksyon ng shabu sa harap mismo ng mga operatiba ng Maritime Police na nagsasagawa ng surveillance operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Albert Mejarito, ng […]