• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH, China balik- ‘negotiating table’ para sa nabiting proyekto

BALIK -negotiating table ang China  at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang  infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang  Chinese Embassy nang sabihin ni Chavez na binasura na ng Pilipinas ang  loan applications para sa three big-ticket railways na kinabibilangan ng Philippine National Railways Bicol project, Subic-Clark Railway Project, at ang first phase ng Mindanao Railway Project— dahil sa hindi pagtugon ng Beijing sa loan application ng Pilipinas simula pa noong  2019.

 

 

Napag-alaman  na ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. ang muling pakikipag-negosasyon ng DOTr sa China para sa loan agreements ng tatlong railway projects.

 

 

Kaugnay nito, binigyang-diin ng embahada na mayroon nang positive progress upang isulong ang mga proyekto.

 

 

Anila, bukas ang China para sa technical discussions sa mga proyekto at handa itong makipagtulungan sa bagong administrasyon ng Pilipinas.

 

 

“Our two sides have been negotiating technical issues and made positive progress to move the projects forward,” ayon sa embahada. (Daris Jose)

Other News
  • MAJA, inaming nasira ang image at career nang makipagrelasyon kay GERALD; tumanggi na makasama sa teleserye

    BINALIKAN ni Maja Salvador ang naging relasyon nila ni Gerald Anderson na umabot ng dalawang taon at aminadong ‘di sinuwerte na alam naman ng lahat na ex-boyfriend ito ni Kim Chiu na bestfriend niya.     Ayon sa IG post ng @kowalerts, nagbigay ng pahayag si Maja tungkol sa kanila ni Gerald, “LOOK: #MajaSalvador explains […]

  • PBA players kailangan pa rin ng Gilas Pilipinas

    Naniniwala si dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag na kakailanganin pa rin ng Gilas Pilipinas ng ilang veteran PBA players sa 2023 FIBA World Cup.     Masaya si Alapag sa impresibong ipinamalas ng bagitong Gilas squad sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan winalis nito ang lahat ng tatlong laro kabilang […]

  • PBBM ADMIN NAGLAAN NG P2.39 BILYON PARA PONDOHAN ANG MALAWAKANG FOREST REHABILITATION PROGRAM

    Para makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy, naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA). “Bilang mandato po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mananatili kaming nakatuon sa pagkamit ng inclusive at sustainable transformation patungo sa tinatawag […]