PH COVID-19 cases pumalo na sa 471,526; nadagdagan ng 886: DOH
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
Pumalo na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus. Ngayong Martes, nag-report ang DOH ng 886 new cases.
“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 28, 2020.”
Una nang sinabi ng ahensya na may nakikita silang decreasing trend sa COVID-19 cases hanggang sa unang linggo ng Enero dahil nabawasan ang bilang ng mga taong nagpapa-test.
“We are still continuing to see a decrease in cases over the holiday season (December 24 to January 4). This is due to the decreased number of patients being tested as many people want to celebrate the holidays at home,” ayon sa DOH nitong Lunes.
Ilang laboratoryo rin daw ang pansamantalang nagtigil ng operasyon noong Christmas weekend.
Ang Davao City ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamataas na numero ng mga bagong kaso na nasa 61, sumunod ang Pampanga (58), Bulacan at Quezon City na parehong may 45 new cases, at Cavite na may 37.
Nasa 23,348 pa ang mga active cases o nagpapagaling.
Umaabot na sa 439,016 naman na ang gumaling matapos madagdagan ng 253 new recoveries ngayong araw. Samantala, ang talaan ng mga namatay nadagdagan din ng 38, kaya ang total deaths ay 9,162 na.
“10 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 9 recovered cases have been removed.”
-
P921 M Chinese deal ng PNR di na tuloy
Hindi na itutuloy ng Philippine National Railway ang Chinese deal na nagkakahalaga ng P921 M para sa pagbili ng gauge diesel multiple unit (DMU) trains na gagamitin sa Bicol line. Ayon kay PNR general manager Junn Magno, ang kontrata na ibinigay sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd na siyang nanalo sa naunang […]
-
Puring-puri sa online world: Full trailer ng ‘Firefly’ nina ALESSANDRA, nakakapanindig-balahibo
‘NAKAKAPANINDIG-BALAHIBO.’ Ganito kung ilarawan ng netizens ang full trailer ng pelikulang ‘Firefly’, ang official entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2023 MMFF na ipalalabas sa December 25 sa mga sinehan nationwide. Puring-puri sa online world ang trailer dahil sa magandang cinematography at mga nakapupukaw na eksenang talaga namang […]
-
Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE
Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia. Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers. Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban. […]