• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa

BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon.

 

 

Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon.

 

 

Dito ay isa-isang sinaludo at kinamayan ang mga rescuers nina Department of National Defense Secretary Carito Galves Jr., kasama sina Office of the Civil Defense Asec. Raffy Alejando, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes, Turkish Ambassador Niyazi Eyren Akyol, AFP chief of staff General Andres Centino at iba pang key officials mula sa Department of Foreign Affairs, at Department of Health.

 

 

Ito ay matapos ang labing-apat na araw na misyon ng grupo sa Adiyaman, Turkey na isa sa lubhang naapektuhan ng nasabing lindol kung saan ininspeksyon ng mga ito ang nasa 36 na mga gumuhong gusali kung saan narekober ang anim na labi at nalapatan ng lunas ang nasa mahigit isang libong pasyente nasaktan din mula sa naturang trahedya.

 

 

Ayon kay Office of the Civil Defense Asec. Raffy Alejandro, bibigyan ng tribute o pasasalamat ang mga ito at isasailalim din sila sa debriefing psychosocial intervention.

 

 

Aniya, ang karanasang ito ng ating PH contingent ay malaki ang maitutulong sa paghahanda ng ating bansa sa posibleng sakunang mangyari sa Pilipinas.

 

 

Sa kabilang banda naman ay tinawag na mga bayani ng Turkish government ang grupo dahil sa ipinamalas na kabayanihan ng mga ito sa pagsagip ng buhay ng maraming mamamayan doon.

 

 

Dahil dito ay lubos na nagpapasalamat ngayon ang Turkish government sa pamamagitan ni Turkish Ambassador to the Philippines na si Niyazo Akyol.

 

 

Samantala, sa ngayon ay inihahanda naman na ng Department of Foreign Affairs ang tulong pinansyal na ipapadala ng bansa para sa mga naapektuhan din ng magnitude 7.8 na lindol sa Syria.

Other News
  • Ads August 16, 2022

  • KRIS, pinasalamatan at binati ang ‘special someone’ sa kaaarawan nito; pahulaan kung sino ang tinutukoy sa IG post

    PALAISIPAN at pahulaan na naman kung sino ang ‘special someone’ na tinutukoy ni Kris Aquino na IG post niya na kung saan may mensahe na: Thank you for coming into my life… Happy Birthday!     May caption ito na, “i thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of […]

  • Shocking ang mga rebelasyon ‘pag nagagalit: SID, nambutas ng gulong at manuntok dahil sa girlfriend

    SHOCKING ang mga rebelasyon ni Sid Lucero!       Natanong kasi siya tungkol sa anger management na isa sa mga tema ng bago niyang pelikula na ‘Karma.’       At ang umpisang bulalas ni Sid, “Anger management? My God, where do we start? I had a really, really bad temper. It’s really bad, […]