PH weightlifting team target na makakuha ng mahigit 2 gintong medalya
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng Philippine weightlifting team na makakuha ng hindi bababa sa dalawang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo 12-23.
Pangungunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang nasabing weightlifting team na magdedepensa ng kaniyang women’s 55 kg division.
Makakasama niya sa womens division sina Mary Flor Diaz para sa 45 kg, Rosegie Ramos para sa 49 kg, Margaret Colonia para sa 59 kg, Elreen Ann Ando para sa 64 kg, Vanessa Sarno para sa 71 kg at Kristel Macrohon para sa +71 kg.
Mangunguna naman sa men’s team si Olympian Nestor Colonia para sa 67 kgs kasama sina Fernando Agad Jr. para sa 55 kg, Rowel Garcia para sa 61 kg, Lemon Denmark Tarro para 73 kg, John Paul Padullo para sa 89 kg, at John Dexter Tabique para sa +89 kg.
Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na maaring magkaroon ng limang gold medal ang nasabing weightlifting team.
-
Hirit ng transport groups, pinagpupulungan na- Roque
KASALUKUYAN nang pinagpupulungan ng pamahalaan ang panawagan ng transport groups na pagsuspinde sa excise tax, vat sa fuel products kasunod ng 8 sunud-sunod na linggo ng oil price hike? Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “as we speak po, pinagpupulungan na itong bagay na ito noh? Kinukunsidera po ang parehong proposals. So, government is […]
-
Feb. 9 at 10, kapwa holidays -PCO
TINIYAK ng Malakanyang na idineklara nitong special non-working days kapwa ang Pebrero 9 at 10 sa buong bansa dahil sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil sa gitna ng pagkalito ng ilang mga Filipino matapos na magpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng […]
-
Ads October 12, 2024