• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phase out ng EDSA bus lane, posible – MMDA

PARA mabawasan ang mga sasakyang bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, pinag-aralan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang phase out ng EDSA busway.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na lumutang ang pag-phase out sa EDSA busway dahil na rin plano ng Department of Transportation (DOTr) na magdagdag ng isang bagon sa mga train ng MRT na mayroong 30% capacity sa bawat trip.

Nilinaw naman ni Artes na ang plano ay gaga­win kung kaya lamang ng MRT na i-accomodate ang lahat ng pasahero ng bus carousel, subalit kung tutuusin aniya ay hindi naman inconvenient ang bus dahil hindi lahat ng istasyon ng MRT ay may bus station.

Sa sandaling matupad aniya ito ay magiging libre ang isang lane kaya may mungkahing ipagamit sa “high occupancy vehicles” tulad sa Amerika na kung tatlo o apat ang pasahero ng pribadong sasakyan ay maaaring gamitin ang special lane.

Paliwanag pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga ­pasahero sa MRT ay hindi na nila nakikitang kailangang pa sumakay ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.

Giit pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga pasahero sa MRT, hindi nila nakikitang kailangang sumakay pa ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.

“Kung ma-accommodate naman sa taas sa train ‘yung mga pasahero, we don’t see the need na magkaroon pa ng bus kasi exactly the same route nga siya, and mas bentahe ang train,”ayon pa kay Artes.

Plano na rin ng DOTr na plano na pagdugtungin ang MRT at Light Rail Transit (LRT).

Other News
  • Bagong strain ng COVID-19 binabantayan ng DOH

    Binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang nai-report na bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom na nagresulta upang magpatupad ang iba pang European countries ng restrictions sa mga biyahe mula sa UK.   “According to Research Institute for Tropical Medicine (RITM), wala pa silang nakikitang bagong strain na mayroon dito sa ating bansa, based […]

  • Operators ng EDSA Carousel humingi ng fare hike

    NAGHAIN ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operators ng EDSA Carousel upang humingi ng fare hike dahil na rin sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na humingi ang ES Transport at Mega Manila ng fare increase kung saan […]

  • Agri party list Rep. Wilbert Lee, unang naghain ng COC sa pagka-Senador

    UNANG kandidato na naghain ng Certificate of Candidacy para sa pagka-senador si Agri party list Rep. Wilbert Lee ngayong Oct. 1.     Tatakbo siya sa ilalim ng Aksyon Demokratiko at pagtutuunan ang pansin sa kanyang kampanya ang abot kayang pagkain, job security at quality, accessible at compassionate healthcare para sa lahat.     Pagkatapos […]