• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phil. boxing team hindi lamang target na makahakot ng medalya

HINDI  lamang nakatutok ang mga boksingero ng bansa na makahakot ng medalya sa paglahok nila sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo na kung tutuusin aniya ay kaya nilang higitan ang nakamit ng boksingero ng bansa noong 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.

 

 

Humakot kasi ng pitong gold, tatlong silver at dalawang bronze medal ang bansa noong 2019 SEA Games.

 

 

Ayon kay Manalo na may mga timeline ang mga coaches nila na kasama sa training.

 

 

Nakatutok aniya sila sa magandang fight plan sa bawat laban.

 

 

Katuwang ng mga boksingero ng bansa sina Australian coach Don Abnett ang humawak sa mga PInoy boxers na sumabak sa Tokyo Olympics gaya nina flyweight Carlo Paalam at featherweight Nesthy Petecio ganun din kay bronze middleweight boxer Eumir Felix Marcial.

 

 

Magugunitang nasa Thailand ngayon ang mga Pinoy boxers kung saan doon na sila nagsasanay matapos ang pagsali nila sa tournament doon noong nakaraang mga linggo.

Other News
  • Ads July 3, 2024

  • Ngannou nagwagi sa kanyang comeback fight

    NAGING matagumpay ang pagbabalik ni Cameroonian fighter Francis Ngannou sa mixed martial arts.     Ito ay matapos na mapagbagsak si Renan Ferreria sa unang round pa lamang sa kanilang heavyweight fight sa Professional Fighters League (PFL).     Ang nasabing laban na “Battle Of the Giants” na ginanap sa Saudi Arabia.     Sa […]

  • 1K trabaho, alok ng BuCor

    KASABAY ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Lunes, magsasagawa rin ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto.     Sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., na may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda na sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya.     Inaanyayahan ang […]