Phil. Football Federatpom iniurong ang pagbubukas ng 2021 season
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
Nagdesisyon ang Philippine Football League (PFL) na buksan ang 2021 season sa Hulyo 17.
Unang itinakda ang nasabing pagbubukas ng season mula Abril hanggang Mayo 2021 sa pamamagitan ng bubble format.
Sinabi ni PFF president Mariano Araneta Jr na dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay minabuti nilang kanselahin ang Copa Paulino Alcantara cup at iurong na rin ang pagbubukas ng 2021 season.
Target rin nila na dagdagan ang mga matches gaya ng mga iminungkahi ng ilang mga football clubs.
Nakabili na rin ang PFF ng COVID-19 vaccines para sa mga manlalaro at mga opisyals ng PFL Teams.
-
FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.” Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face […]
-
Task force COVID-19 head Defense Sec. Lorenzana, nagpositibo sa COVID
Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19. Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo. Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa […]
-
PH gov’t lumagda ng deal para sa 30-M doses
Lumagda na ng ikalawang kasunduan para sa COVID-19 vaccine supply ang pamahalaan ng Pilipinas. Nitong Linggo, kinumpirma ng Faberco Life Sciences Inc., na pumirma ng “term sheet” ang gobyerno para sa 30-million doses ng bakunang dinevelop ng Serum Institute of India (SII). “The Philippine government, Serum Institute of India, and Faberco Life Sciences […]