Phil. men’s football team nahanay sa mga mabibigat na koponan sa AFC Asian Cup Saudi Arabia Qualifiers
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
Mahaharap sa matinding hamon ang Philippine men’s football team para sa AFC Asian Cup Saudi Arabia 2027 Qualfiers sa susunod na taon.
Sa isinagawang draw nitong araw ng Lunes sa AFC House sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nahanay ang Pilipinas sa Tajiksitan, Maldives at Timor-Leste para sa third at final round ng qualifiers na sisimulang lalaruin sa Marso 2025.
Unang makakaharap nila ang Maldives sa Marso 26 at Nobyembre 18, 2025 na susundan ng Tajikistan sa Hunyo 10, 2025 at Marso 31, 2026 at Timor Leste sa Oktubre 9 at 14 , 2025.
Ang Grupo B naman ay binubuo ng Lebanon, Yemen, Bhutan at Brunei Darussalam habang ang Group C ay binubuo ng India, Hong Kong, Singapore at Bangladesh at ang Group D naman ay binubuo ng Thailand, Turkmenistan, Chinese Taipei at Sri Lanka.
-
Veteran Bata Reyes, mga pambato ng billiards ng PH patuloy ang pamamayagpag sa SEAG
TIYAK na ang bronze medal sa 31st Southeast Asian Games ni veteran cue artist Efren “Bata” Reyes Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Suriya Suanasing ng Thailand 65-58 sa carom tournament. Sa unang bahagi ng laro ay humahabol pa ang Filipino billiard legend hanggang sa makuha niya ang kalamangan. […]
-
VP Sara, sasabak sa susunod na eleksyon
NGAYON pa lamang ay idineklara na ni Vice President Sara Duterte na sasabak siya sa susunod na eleksyon. Hindi naman binanggit ni VP Sara kung anong posisyon ang plano niyang takbuhin lalo pa’t ang kanyang termino bilang Bise-Presidente ay magtatapos pa sa 2028. Ang susunod na halalan sa bansa ay sa […]
-
Alaska workouts grabe – Teng
MASKI sa online lang muna nagkakakitaan ang Alaska Milk, kayod sa pagpapawis ang mga manlalaro ni Jeffrey Cariaso. Ayon sa Aces coach, matindi pa aniya ang pinapagawa niya sa kanilang players kumpara sa harapan. “Grabe kami mag-workout,” pagsisiwalat din kahapon ni third-year wingman Jeron Teng sa Philippine Basketball Association (PBA) Kamustahan podcast. “Sana […]