PHILHEALTH, IPAPABUWAG NI DUTERTE SA KONGRESO
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
ISUSULONG umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pag-abolish o pagbuwag na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna pa rin ng malawakang katiwalian sa state health insurer.
Sinabi ni Pangulong Duterte, mas mabuti ng ipabuwag ito dahil wala namang kapitalistang papatol o bibili sa korporasyong wala ng pera.
“Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish the— Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sinong insurer niyo? Sabihin ng mga kapitalista sa insurance, ‘kami ang magbayad? Wala kayong pondo,’” ani Pangulong Duterte.
Nais din ni Pangulong Duterte na magkaroon ng mawalakang balasahan o revamp sa PhilHealth.
“Hindi na puwedeng itong mga tao na ito there already. Entrenched na. Talagang either I’m going to revamp, consider everybody resigned there and if there’s the structure we can slowly rebuild.”
Inihayag ni Pangulong Duterte na ngayong araw daw nito sisimulan ang “streamlining” sa PhilHealth. (Daris Jose)
-
SUSPEK SA PAGKAMATAY NI DACERA, INIREKOMENDANG SAMPAHAN NG NBI
INIREREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong criminal laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imrpudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer […]
-
Ads August 6, 2024
-
Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board
INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar. Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon. Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong […]