VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade.
Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference.
Pumayag naman ang alkalde at sinabing bukas sila sa pagsasagawa ng parade basta pag-ibayuhin lang ang pag-iingat para hindi kumalat ang coronavirus.
Matatandaang kinansela ng Lakers at Dodgers ang kanilang championship parade dahil sa matinding banta ng COVID-19 kaya nagdesisyon noon ang dalawang koponan na isagawa na lamang ang parada kapag normal na ang lahat at wala na ang banta ng pandemic.
-
PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO
PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish . Papayagan naman ang pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod […]
-
Ads January 11, 2020
-
Ads April 20, 2022