• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth may bagong spokesperson

MAYROON nang bagong tagapagsalita ang Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

 

Sa abiso ng PhilHealth kahapon, nabatid na ito’y sa katauhan ni Dr. Israel Francis A. Pargas na siyang Senior Vice President ng Health Finance Policy Sector.

 

 

“Please be informed that effective immediately, PhilHealth’s new spokesperson is Dr. Israel Francis “Doc Ish” A. Pargas, Senior Vice President, Health Finance Policy Sector,” abiso ng PhilHealth.

 

 

Ang pagkakatalaga kay Pargas ay isang buwan lamang matapos na unang maitalaga si Dr. Albert Domingo bilang tagapagsalita ng PhilHealth.

 

 

Kaugnay nito, sinabi ng PhilHealth na ipagpapatuloy naman ni Domingo ang kanyang gampanin bilang PhilHealth Vice President for Primary Care at Head Executive Staff ng Chairman of the Board.

 

 

Samantala, si Rey Baleña naman ay mananatili umanong Senior Manager ng Corporate Communication at concurrently Vice President for Corporate Affairs.

Other News
  • KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA 13K NA

    MULING nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.   Sa datos ng Quezon City Health Department, pumalo  na sa 13,604 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.   Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU o ang QC Epidemiology and Surveillance Unit  at district health offices […]

  • Pagbangon ng ekonomiya prayoridad ni Leni – Trillanes

    PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang priority ni VP Leni Robredo.     Ito ang binigyang diin ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sa plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagba­ngon ng mga maliliit […]

  • Asawang si Vickie papayagan pa ring sumali sa ‘MUP’: JASON, inalala ang kabaitan sa kanya ni BOY noong nagsisimula pa lang sa showbiz

    ISANG kilalang aktor at ngayon ay Board Member ng 2nd District ng Nuvea Ecija, nagsimula ang showbiz career ni Jason Abalos noon maging contestant ito sa ‘Star Circle National Teen Quest’ na talent search competition ng ABS-CBN noong 2004.   Fast forward to February 21, 2024, naging guest si Jason at Jo Berry sa ‘Fast […]