Philippine fencers paghahandaan ang Vietnam SEAG
- Published on May 7, 2021
- by @peoplesbalita
Matinding preparasyon ang gagawin ng Philippine Fencing Association (PFA) para sa 31st Southeast Asian Games na iho-host ng Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.
Isiniwalat kahapon ni national fencing head coach Rolando ‘Amat’ Canlas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ang plano ng PFA na training sa Korea at Hong Kong.
Ngunit nagdadala-wang-isip si Canlas dahil sa quarantine restrictions sa dalawang bansa.
“Iyong Plan B is mag-send na lang ng mga Korean fencers sa Ormoc City para may makalaban kaming malalakas. Siguro mga 12 fencers iyon,” ani Canlas. “Iyon ang second option na gagawin namin.”
Magtatakda ang fen-cing association ng national tryout para sa dele-gasyong ilalaban sa 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
Isasabak din ng PFA, pinamumunuan ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, ang mabubuong national team sa under-23 at open tournament sa Chinese-Taipei bukod pa sa pag-imbita sa mga fo-reign fencers.
Noong 2019 Philippine SEA Games ay sumikwat ang mga national fencers ng dalawang gold, dalawang silver at pitong bronze medals.
Nanggaling ang national team sa nakaraang Asia Oceania Olympic Qualifiers sa Tashkent, Uzbekistan kung saan walang nakakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.
Tanging si national fencer Samantha Ca-tantan ang nakakuha ng bronze medal matapos matalo kay top seed Yana Alborova ng Uzbekistan sa semifinals ng women’s individual foil.
“Siyempre, nanghihinayang ako pero ganoon talaga ang competition na hindi lahat makakapasok (sa Olympics),” ani Catantan mula sa Pennsylvania. “Learning experience na lang para mag-training pa ako nang maige.”
Ang 19-anyos na si Catantan ay miyembro ng Penn State University fencing team sa US NCAA.
Inalat naman sa kani-kanilang events sa Olympic qualifier sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jylyn Nicanor, Hanniel Abella, Nathaniel Perez, Noelito Jose at CJ Concepcion.
Si Walter Torres ang pinakahuling Pinoy fencer na nakalaro sa Olympics noong 1992 sa Barcelona, Spain.
-
VANESSA HUDGENS IS BACK IN ‘THE PRINCESS SWITCH’ SEQUEL ‘SWITCHED AGAIN’
THE photos for Vanessa Hudgens’ The Princess Switch: Switched Again have arrived. The holiday rom-com is coming to Netflix on November 19, 2020. Wait… there’s a third film coming! Vanessa Hudgens is all set to return to star in The Princess Switch 3, production begins in Scotland later this year for a holiday […]
-
COVID booster para sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos, inaprubahan na ng DOH
INAPRUBAHAN na ng Department of Health ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots para sa mga batang edad 12-17-anyos. Ayon kay Dr. Nina Gloriani, ang head ng country’s vaccine expert panel na napirmahan na ni Health Secretary Francisco Duque ang approval at hinihintay nalang ang guidelines. Sinabi ng doktor na ang mga […]
-
IMBESTIGASYON LABAN SA FLIGHT ATTENDANT, MAKUKUMPLETO NA
INAASAHANG makumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa pakamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City noong December 31,2020. Ito ay makaraang matanggap na ng NBI angilan pang ebidensya na hawak ng Philippine National Police (PNP) tulad ng specimen, cellphone at garments. […]