• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata

PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.

 

 

Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo.

 

 

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman for Vaccination ng Philippine Pediatric Society Dr Timmy Gimenez, may iba pang mga vaccine preventable diseases na dapat na maibigay sa mga bata na kailangan ding mabigyang pansin ng mga magulang o ng mga guardians ng bata.

 

 

Ani Gimenes kabilang sa mga ito ang bakuna kontra tigdas, diphtheria, tetanus,  hepatitis B, polio, influenza at maraming iba pa.

 

 

Mababa aniya ang national immunization coverage rates nito kayat tinututukan din ng Health Dept ang pagpapaigting ng pagbabakuna para dito upang matiyak ang proteksyon at maayos na kalusugan ng mga batang hindi pa nakatatanggap ng mga naturang vaccine.

 

 

Wala rin aniyang babayaran at libre lamang ang pagpapaturok ng mga bakunang ito para sa mga bata bastat dalhin lamang ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga health center na nasa ilalim ng kani-kanilang lokal na pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • Ipagpaliban ang physical distancing sa PUVs, suportado ni Senador Bong Go

    SANG-AYON si Senador Bong Go sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban muna sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan.   Ang katwiran ni Go ay huwag na isugal kung may posibilidad na mas kumalat pa ang sakit na coronavirus.   […]

  • Malabon LGU, kinilala ng DILG sa paghahatid ng mga serbisyo

    TUMANGGAP ng maraming parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval mula sa Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) para sa epektibo at mahusay nitong paghahatid ng mga programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño.   “Isang karangalan para sa pamahalaang lungsod ang […]

  • Political amendment proposals, huwag pansinin

    Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na huwag pansinin ang political amendment proposals ni presidential adviser at ex-senatorial candidate Larry Gadon. “I urge Speaker Romualdez to completely disregard Gadon’s letter (proposing political amendments),” ani Rodriguez, chairman ng House committee on constitutional amendments. Naniniwala ito na ibabasura din lamang […]