• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine team nakahanda na para opening ceremony ng Paris Olympics

PLANTSADO na ng Philippine Team ang kanilang gagawing pag-martsa para sa opening ceremony ng Paris Olympics.

 

 

 

 

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na pangungunahan nina Pinoy boxer Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang parada kasama ang 16 na ibang mga atleta.

 

 

 

Hindi makakasama si Tolentino sa parada dahil pinili niyang umupo sa family section sa gilid ng River Seine.

 

 

Makakasama nina Paalam at Petecio ay sina kapwa boksingero na sin a Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, swimmers Kayla Sanchez at Jarrod Hatch, gymnast Aleah Finnegan at fencer Samantha Catantan.

 

 

Nakasakay naman sa bangka na nakatalaga sa Pilipinas sina Chef de Mission Juanito Victor “Jonvic” Remulla at ilang sports officials Michael Angelo Vargas ng swimming, Marcus Manalo ngboxing, Cynthia Carrion Norton ng gymnastics, Patrick Gregorio sa rowing at Agapito “Terry” Capistrano sa athletics.

 

 

Hindi naman makakasama ang mga boksingerong sina Eumir Marcial, gymnast Carlos Yulo at rower Joanie Delgaco dahil naghahanda sila sa kani-kanilang laban sa araw ng Sabado habang si pole vaulter EJ Obiena ay nakatuon pa rin sa kaniyang pre-game preparations sa Normandy.

 

 

 

Ang mga tatlong weightlfters na sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ay hindi pa natatapos ang kanilang training sa Metz at nakatakdang dumating sa Olympic Village sa Agosto 6.

 

 

 

Kukumpleto sa 22-atleta ng bansa ay sina gymnast gymnasts Emma Malabuyo at Levi Ruivivar, golfers Bianca Pagdangan at Dottie Ardina at judoka Kiyomi Watanabe.

 

 

 

Magsisimula ang Opening ceremony ng dakong ala-7:30 ng gabi sa Paris o 1:30 ng madaling araw sa Pilipinas ng Sabado.

 

 

 

Magiging makasaysayan ang nasabing Paris Olympics dahil hindi ito gagawin sa isang stadium at sa halip ay gagawin ito sa River Seine.

Other News
  • Text scams, maaaring galing sa labas ng Pinas-DICT

    MAAARING galing sa labas ng Pilipinas ang nasa likod o surce ng personalized text scams o unsolicited text messages.     Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Alexander Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang  international counterparts para idetermina kung mayroon silang naitala na magtuturo sa  IP address ng destination servers na […]

  • BATAS para sa MOTORCYCLE-TAXIs at DELIVERIES NAPAPANAHON NA!

    MAHALAGANG bahagi na ng transportasyon ang mga motorcycle-taxis at deliveries.  At napapanahon na para magkaroon ng batas para sa ligtas at epektibong serbisyo nito sa tao.     Sa kasalukuyan ay pinapayagan ng DOTr ang motorcycle-taxis sa ilalim ng tinatawag na pilot-test run. Pero sa Kongreso ay may pumasa nang Panukalang Batas para sa regulasyon […]

  • Ilang airports sa bansa sasailalim din sa privatization

    MAY plano ang Department of Transportation (DOTr) na isailalim ang operasyon ng ilang airports sa bansa upang lalong gumanda ang serbisyo at upang hindi na mahirapan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagiging operator at regulator ng halos lahat ng airports sa bansa.     Sa nakaraang ginawang 2024 Aviation Summit, sinabi […]