• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine youth squads sasalang sa Malaysia water polo tilt

ISASABAK ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang 30 junior athletes sa 60th Malaysia International Age-Group Water Polo Championships sa Abril 18-20 sa National Aquatic Center sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sinabi ni PAI Secretary-General Anthony Reyes na ang mga batang water polo athletes ay binubuo ng mga competitive age-group swimmers at sumailalim sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ni Serbian coach Filip Stojanovic sa nakalipas na walong buwan. “Ang mga batang manlalarong ito, na karamihan ay binubuo ng mga teenager, ay nagsimula kamakailan ng 10-taong developmental at training program ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pamumuno nina president Miko Vargas at Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa suporta ng Philippine Sports Commission,” ani Reyes. Sasabak ang mga junior athletes sa 21-under (boys) at 24-under (girls) division. Kasama ng tropa patungong Malaysia sina head coach Roi Dela Cruz at Sherwin Dela Paz. Ang event ay bahagi ng paghahanda ng PAI dahil ang PSC ay todo suporta sa plano ng aquatics na magpadala ng women’s team sa 47th Sea Age-Group Championships sa Malaysia at sa 33rd SEA Games na naka-iskedyul ngayong Disyembre sa Thailand. Ang huling pagkakataon na nagpadala ang bansa ng women’s team sa prestihiyosong biennial event na ito ay noong 2019,” dagdag pa nito. Ang women’s team ay binubuo nina Sabee de Guzman, Monica Arlante, Julia Basa, Marga Morrison-lonie, Cyril Espongja, Sam Balagot, Raesher Dela Paz, Shinloah San Diego, Ashly Addison, Josie Addison, Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ang junior boys ay kinabibilangan nina Mitzie Llegunas, Zoe Ferrer at Alex Picardal. Ugaban, Matthew Romero, Caleb De Leon, Lance Adalin, Matthew Dasig, Niklas de Guzman, Hugo Lopez, Ted Tolentino, Dave Geda, Andre Establecida, Julian Malubag at Sebastien Castro. Samantala, nagpasalamat si Reyes sa artistic swimmer na si Zoe Lim sa pagkapanalo ng bronze medal (13-14) class sa katatapos na 2025 West Australian Artistic Swimming Cup sa Perth, Australia. “Congratulationsto Zoe. Consistent ang ating mga atleta sa artistics swimming since nagbuo tayo ng team sa Asian Age-Group Swimming Championship when the country hosting the event in February last year,” Ang kasamahan ni Lim na si Carmina Sanchez Tan, isang silver medalist sa 2024 SEA Age Group Swimming Championship, ay kasalukuyang sumasabak sa 2025 US National at Junior Artistic Swimming Championship sa Greensboro, North Carolina. Siya ay nakikipagkumpitensya sa Solo, Duet at Team Free routine bilang miyembro ng The Meraquas ng Irvine Artistic Swimming Team.

null

Other News
  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, PHO-PH, naglunsad ng pinagsanib na inisyatiba laban sa banta ng HPV sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng patuloy na pangako ni Gob. Daniel R. Fernando sa kalusugan at kagalingan ng publiko, nagdaos ang Department of Health kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office – Public Health ng Bulacan HPV Vaccination Launching sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa […]

  • DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang

    NAGPALIWANAG  ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas.     Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito.     Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na […]

  • Hamon ng mga Kongresista… VP Duterte ipaliwanag ‘under oath’ confidential funds, renta sa safehouses

    HINAMON ng mga Kongresista si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ‘under oath’ kung saan ginasta ang milyon-milyong confidential funds at sobrang mahal na renta ng mga safehouses na walang mga dokumento.   “We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safehouses in less than two weeks. The public […]