• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines bets may 2 golds sa Asian Open

HUMATAW ang national muaythai team ng dalawang gintong medalya sa 2024 IFMA Asian Open Invitational Cup na ginanap sa Taipei, Taiwan.

 

 

Inihayag ng Muaythai Association of the Philippines (MAP) ang panalo nina Ejay Galendez at Floryvic Montero na parehong umani ng gintong medalya sa kani-kanyang dibisyon.

 

Namayagpag si Ga­lendez sa men’s under-23 60-kilogram division kung saan pinataob nito sa finals si Sonthaya Phophet ng Thailand.

 

 

Sa kabilang banda, nagreyna naman si Montero sa women’s 51 kg elite class division.

 

Maliban sa dalawang ginto, may tatlong pilak at isang tansong medalya rin na naiuwi ang Pinoy bets sa torneong nilahukan ng matitikas na fighters sa rehiyon.

 

Galing ang pilak kina Mathew Blane Comicho sa men’s U23 67 kg division, Leo Albert Pangsadan sa Men’s Combat 48 kg Elite division at LJ Rafael Yasay sa Men’s 51 kg division.

 

 

Nasiguro naman ni Eunicka Kaye Costales ang nag-iisang tanso ng dele­gasyon mula sa women’s U23 54 kg division.

 

Other News
  • Celtics inagaw ang No. 1 seed sa East

    SA ISANG  iglap ay napasakamay ng Celtics ang No. 1 spot sa Eastern Conference.     Humataw si Jayson Tatum ng 34 points at nag­lista si Jaylen Brown ng 31 points at 10 rebounds para banderahan ang Boston (47-28) sa 134-112 pagdakma sa Minnesota Timberwolves (43-33).     Ito ang ikaanim na sunod na arangkada […]

  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]

  • AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic

    Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic.   Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo.   Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy […]