• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philpost package scam, bagong modus – PNP

BINALAAN ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko laban sa Philpost package scam matapos na maraming mabiktima hinggil sa umano’y mga unclaimed package sa nasabing tanggapan.

 

 

 

Ayon kay P/Brig. Gen. Joel Doria, Director ng PNP-ACG, ang modus operandi ng mga tiwaling manggagantso ay makakatanggap ka ng tawag mula sa isang automated machine na diumano’y mula sa Philpost.

 

 

 

Isinasaad umano dito na may parcel daw na nakumpiska na naglalaman ng mga illegal na dokumento tulad ng bankcards at passport at ang binibiktimang indibidwal ay ‘under investigation’.

 

 

 

Dito’y ipapakausap ka sa mga nagpapanggap na PNP at AMLAC (Anti-Mo­ney Laundering Council) officers na umano’y taga Cebu gamit ang Skype Application.

 

 

 

“Biktima ka raw ng identity theft at kaila­ngan mong linisin ang iyong pangalan sa pagkakadawit sa money laundering (Personal na pupunta sa Cebu, freeze muna ang account  o magpa-file ng complaint through skype,” anang opisyal.

 

 

 

Sasabihin ng sindikato na kailangang magbayad ng bond habang inaayos ang kaso ng mga binibiktima gamit ang e-wallet.

 

 

 

Sinabi ni Doria na ilan lamang ito sa mga modus ng mga scammers kaya dapat na maging mapanuri ang publiko at i-report sa lehitimong law enforcement agencies upang maimbestigahan at maaresto ang mga scammers.

 

 

 

Kaugnay nito, umapela ang opisyal sa publiko na kung may mga reklamo, katanungan at suhestiyon ay maaring direktang makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa pamamagitan ng Facebook page gamit ang messenger o tumawag sa kanilang mga hotlines –Hotline number: (02) 723-0401 (loc 7491); Viber Numbers: 0915-589-8506/0966-627-1257.

Other News
  • COVID-19 ni ex-Manila Mayor Lim ‘di alam kung saan galing

    Hindi pa rin alam ng pamilya ng nasawing dating Manila Mayor Alfredo Lim kung paano ito nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng pagkamatay nito.   “On a weekend, lumalabas siya. Tatlo, apat, hanggang limang beses. Saglit lang ‘yun. Kain lang siya ng breakfast niya, pagkatapos, paalaman na,” saad ng anak nitong si […]

  • EDSA bus rides tuloy hanggang December

    NAGLABAS  ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.4 billion upang gamitin sa pinahabang libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang December tamang-tama sa pagbubukas ng face-to-face na klase sa mga paraaralan     Inaprobahan ni Budget chief Amenah Pangandaman ang pag release ng pondo para sa programa ng Department of Transportation (DOTr) at Land […]

  • Direk Dado, all praises sa mag-sweetheart: KIM, nag-interview ng bulag at nag-boxing si XIAN para sa balik-tambalan

    MAS mature ang roles na ginagampanan nina Kim Chiu at Xian Lim sa comeback movie nila titled ‘Always’ directed by Dado Lumibao.   Binahagi nina Kim and Xian ang kanilang excitement para sa reunion project na ito.   Nag-post si Xian sa kanyang Instagram account na may caption na, “I missed you {Kim Chiu}. After […]