• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philracom Awards: ‘Union Bell’ pararangalan

ANG mala-birhen o malinis na kartada sa nagdaang 2019 racing season, pararangalan si champion horse Union Bell at owner nitong Bell Racing Stable sa isasagawang 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) Awards ngayong Linggo sa Chantilly Bar ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Iniluklok ang undisputed 2YO champion bilang 2019 Stakes Races Horse of the Year ng Philracom matapos ang malinis na anim na panalo kabilang ang limang stakes races victory – pinakamarami sa nagdaang 2019 racing calendar.

 

Sinimulan ng two-year-old colt (sire Union Rags, USA; dam Tocqueville, ARG) ang 2019 sa panalo ng 2YO regular race noong September 25, kasunod ang pagwalis sa limang stakes race na tampok ang tatlong leg ng Philracom Juvenile Colts and Stakes Races at dalawang leg ng Philtobo Juvenile Championships.

 

Sa mga hataw ni Union Bell, nahirang din ang Bell Racing Stable ni owner Elmer de Leon bilang Stakes Races Horse Owner of the Year, kung saan tinaggap ng anak niyang si Loel at utol na si Joseph ang award mula kina Philracom chairman Andrew A. Sanchez, commissioners Victor Tantoco at Lyndon Guce at executive director Andrew Rovie Buencamino.

 

Si star jockey Jonathan B. Hernandez, ang nagtimon sa lahat ng panalo ni Union Bell nitong 2019, ang itinanghal na Stakes Races Jockey of the Year.

 

Kikilalanin naman si Real Gold, pag-aari ni Jesus Ramon Mamon ng C&H Enterprises, bilang Top Earning Horse of the Year sa kinitang P7.4M sa likod ng dalawang panalo sa tatlong salang sa Triple Crown Series ng Philracom.
Paparangalan bilang 2019 Stakes Races Horse Trainer of the Year si Danilo Sordan, habang si Ruben Tupas ang Top Earning Trainer of the Year (P2.6M).

 

Habang si Atty. Narciso Morales ang Top Earning Horse Owner of the Year (P38.9M).

 

“These awardees prove that the Philippine horse-racing industry will always have an abundance of achievers despite the challenges. We at the Philracom look forward to more achievers in the 2020 racing calendar so that the industry can stay vibrant and dynamic,” sabi ni Sanchez. (REC)

Other News
  • 2 INDIBIDWAL, BARANGAY OFFICIAL ARESTADO NG NBI

    DALAWANG indibidwal kasama ang isang opisyal ng barangay ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ilegal na pagbebenta ng “iron wood” o “magkuno”.     Kinilala ni NBI Director Eric Distor  ang mga naaresto na sina Clyde Rey Balaan na isang barangay councilor at Elward Lomongan, residente ng Lianga,Surigao del Sur.   […]

  • Paglabas ng mga bata, suspendihin – Metro Manila

    Nais  ngayon ng mga alkalde ng Metro Manila na manatili pa rin sa loob ng mga bahay ang mga bata na may edad limang taon pataas kasunod ng banta ng mas mapanga­nib na Delta variant.     Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), na inirekomenda na nila sa Inter-Agency […]

  • SK Leaders in Pasig Pioneer First-Ever Youth-Led HPV Vaccination Drive in NCR

    THE Sangguniang Kabataan (SK) of Barangay Pinagbuhatan made history as they spearheaded the first-ever youth-led city-wide immunization program against Human Papillomavirus (HPV) in Pasig City at Pinagbuhatan Elementary School. The initiative, titled “Kabataan Para Sa HPV-Free Pasig City,” marks a significant milestone in public health, by vaccinating around 300 girls aged 9 to 14 in […]