PhilSys data, ligtas sa ilalim ng authentication program
- Published on July 13, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAGPAPATULOY ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “wide-reaching and intensive information” at education campaign para matamo ang inclusive digital economy sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) project sa panahon ng administrasyong Marcos.
Layon ng PhilSys na magtatag ng single national ID para sa mga mamamayang Filipino at resident aliens.
Ang national ID ay dapat na maging valid proof of identity at paraan ng pinasimpleng public at private transactions, enrollment sa mga eskuwelahan at pagbubukas ng bank accounts.
Palalakasin din nito ang kasanayan o kakayahan sa pakikipag-deal sa government services kung saan kailangan lamang ng tao na mag-prisenta o magpakita ng isang ID sa panahon ng transaksyon.
Sa pamamagitan ng PhilSys, “a secure, digital and interoperable platform, service providers are allowed to verify their clients’ identities using the Application Programming Interface (API). The API-enabled authentication services include basic online verification, automated pre-filing of customer information in the system of the relying party, and generating tokens for seeding or storage of information.”
Layon naman ng PhilSys project na bawasan ang fraud o pandaraya sa pamamagitan ng paglilinis sa mga databases pagdating sa mga duplicate at fictitious records.
Matatandaang, buwan ng Pebrero ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ang Executive Order 162 na nag-uutos na tanggapin ang Philippine o National ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao sa lahat ng transaksyon sa bansa upang mas mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo, mapalakas ang financial inclusion at mapadali ang paggawa ng negosyo.
Sinabi ni Duterte na ang PhilSys (Philippine Identification System) ang magiging sentro ng identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mga mamamayan at residenteng banyaga sa bansa.
Nakapaloob din ito sa Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act, kung saan ang record ng isang mamamayan sa PhilSys ay ikukunsiderang sapat na patunay ng identiy at edad ng isang indibidwal.
Ang PhilSys din ang magsisilbing opisyal identification document na inilabas ng gobyerno at opisyal na katibayan ng identity ng mga cardholders sa pakikipag-transaksiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
Inaatasan ang lahat ng mga bangko at pinansiyal na institusyon na sumunod sa guidelines na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang regulatory agencies tungkol sa PhilID, PSN o PSN Derivative. (Daris Jose)
-
2 PUGANTENG KOREAN NATIONAL, ARESTADO SA ILLEGAL DRUGS AT TELECOM FRAUD
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean national na wanted sa illegal drugs at telecom fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawang pugante na si Lee Dongju, 39 at Sim Kyuchul, 40 na naaresto ng mga miyembro ng BI’s fugitive search unit sa isang hotel sa […]
-
SANYA, masuwerteng napili bilang kapalit ni MARIAN
SI Sanya Lopez nga ang napili ng GMA Network bilang kapalit ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, after nitong tanggihan ang teleseryeng First Yaya na pagtatambal sana nila ni Gabby Concepcion. Dahil sa pandemya, wala ngang nagawa si Marian kundi mag-beg off na lang ang serye na aminadong gustung-gusto niyang gawin. Pero dahil […]
-
Ordanes at Arquiza, nagkasundo at nagkamayan
Tuluyan ng nagkasundo at nagkamayan ang kinikilalang kinatawan ng Senior Citizens Party-list na si Cong. Rodolfo Ompong Ordanes at si dating Cong. Godofredo Arquiza matapos pagtibayin ng dalawa ang isang kasunduan na nagtatapos ang kanilang sigalot na sinaksihan ng kanilang mga abugado sa ginanap na seremonya nitong Dec.19, 2023 sa Seda Hotel, Quezon City. (PAUL […]