• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phivolcs, pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog

NAGLABAS  ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1.

 

 

Ayon sa state volcanologists, ang “vog” ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory tract depende sa kung gaano kadaming gas ang malalanghap at haba ng exposure dito.

 

 

“Vog has been affecting the Taal Region since the first week of September 2023 as an average of 3,402 tonnes/day SO2 has been degassed from Taal Volcano for the month,” sabi ng Philvolcs sa isang abiso sa kanilang Facebook page.

 

 

Naglabas ang Bulkang Taal ng higit 4,569 tonelada ng sulfur dioxide (SO2) sa nagdaang araw habang may isang malaking ulap nito ang namataan sa bandang kanluran ng bulkan nitong Huwebes.

 

 

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring malaki ang maging epekto nito sa mga taong mayroong asthma, lung at heart disease, sa mga nakatatanda, mga buntis, at mga bata.

 

 

Pinagbabawalan pa rin ang mga sumusunod kaugnay ng bulkan:

Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal

Paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan

 

 

Bukod pa riyan, maaari pa rin daw asahan ang mga sumusunod:

biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions

volcanic earthquakes

manipis na ashfall

pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas

 

 

Inabisuhan ng Philvolcs ang mga lugar na apektado ng vog na:

Limitahan ang exposure dito sa pamamagitan ng pag-iwas sa outdoor activities, pananatili sa loob ng bahay, at pagsara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang vog

 

 

Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng facemask, partikular na ang N95 facemask.

 

 

Pag-inom ng tubig upang maiwasan ang irritation sa lalamunan at paghingi ng tulong sa mga doktor o lokal na health unit kapag naapektuhan nito.

 

 

Kaugnay nito, sinuspinde ang klase sa ilang mga lugar sa Metro Manila, Cavite, Batangas, at Laguna dahil sa panganib sa kalusugan na dulot ng vog.

 

 

Ipinaalala rin ng DOST-Phivolcs na nananatiling “abnormal” ang kondisyon ng Taal Volcano ngayong nakataas ang Alert Level 1, at hindi raw maaaring tignan bilang pagtatapos ng eruptive activity.

 

 

Maaari raw itong itaas pabalik ng Alert Level 2 kung sakaling magkaroon ng uptrend o pronounced change sa mga binabantayang parameters.  (Daris Jose)

Other News
  • Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE

    Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho.   Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa […]

  • Kaya hindi mapapanood sa Vivamax: KELLEY, balik-showbiz pero ‘di maghuhubad sa pelikula

    TWO years na nawala, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day.     Mula sa GMA 7 ang humahawak na ng kanyang career ay ang 3:16 Media Network niLen Carrillo.       Paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len na may connect sa Viva at Vivamax.     “Wala akong plan to […]

  • Outgoing NEDA chief, inulit ang pangangailangan para sa “full resumption” ng face-to-face classes

    MULING inulit ni Outgoing Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick  Chua ang panawagan  na  “fully resume” ang  face-to-face classes.     Nagpahayag ng kumpiyansa si Chua  na maipatutupad  ito ng  incoming administration.     Sa virtual briefing, sinabi ni Chua na ang education sector ay  “significantly lagged behind”, pagdating sa full resumption ng face-to-face classes  na […]